Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Preso nang-hostage sa Bilibid, 2 sugatan

UMABOT nang mahigit dalawang oras ang pag-hostage ng isang preso sa isang civilian employee sa loob ng medium  security compound ng New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City kahapon ng tanghali.

Ang inmate na si Dennis Gonzaga, 37, may kasong parricide, ay inilagay na sa isolation room ng NBP.

Kinilala ni NBP OIC Supt. Celso Bravo ang biktimang si Susan Egana, nasa hustong gulang, civilian employee ng Samsung Handycraft, tindahan na pinamamahalaan ng NBP.

Dalawang preso ang nasugatan sa insidente na sina Reynante Ramirez, may kaso sa ipinagbabwal na gamot, at Dante Isip, may kasong robbery, nasaksak ng screw driver nang umawat kay Gonzaga.

Base sa ulat na natanggap ni NBP Supt. Bravo, dakong 12:30 p.m. nang mangyari ang hostage taking sa loob ng naturang piitan.

Ayon kay NBP OIC Supt. Bravo, nais makita at makausap ni Gonzaga ang kanyang ina at kapatid dahil natatakot na baka pag-initan siya sa loob ng bilangguan.

Binabantayan ng biktima ang naturang tindahan, nang bigla siyang dakmain ng suspek at tinutukan ng screw driver.

Ngunit nang dumating ang mga kaanak ng suspek, agad niyang pinakawalan ang biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …