Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, pinagselosan si Isabelle

083014 sarah matteo Isabelle Daza

ni Roland Lerum

MAS gusto raw sana ni Sarah Geronimo na daya na lang sana ang kising scene nina Matteo Guidicelli at Isabelle Daza sa Somebody To Love, kaysa ginawang totohanan. Nagselos tuloy siya!

Puro kasi daya ang pakikipaghalikan ni Sarah sa screen kaya gusto niyang ganoon din sana ang BF niya. Bakit naman siya magseselos eh, artista rin siya?  At saka lalaki naman si Matteo, ‘di ba?

Buti nga ginawa na itong bida.  Pasalamat siya sa Regal Films!

Hindi naman good kisser si Matteo, sabi ni Isabelle na mayroong boyfriend, si Adrian Semblat.  Si Adrian, good kisser pa!

Kilala naman ni Sarah si Isabelle dahil nakasama na niya ito sa It Takes a Man and a Woman noon.  Feeling ba niya magkakagusto si Isabelle kay Matteo? Mag-i-stick si Matteo kay Sarah dahil magagamit niya ito.

Hangga’t maaari sana, ayaw ng Regal na pag-usapan si Sarah sa pelikula dahil hindi naman siya kasali rito.  Sa presscon na naganap bago mag-showing ang nasabing pelikula, mas pinag-usapan pa ang pag-aaway nina Alfie Lorenzo at Mother Lily Monteverde dahil sinabi ng una na malas daw na direktor si Jose Javier Reyes!  Bagay na ipinagtanggol naman ni Mother Lily dahil matagal na niyang kilala si Joey!  Alam ni Mother na inggit lang si Lorenzo kay Joey dahil feeling nito, inagawan siya ng TV show noon sa Channel 4.  Sabi naman ni Joey, “Kasalanan ko ba kung mas maganda ako kaysa kanya?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …