Saturday , November 23 2024

.5-M malnourished pupils target ng DepEd, DSWD

MAHIGIT kalahating milyong public schools students na nagpakita ng mga senyales ng severe acute malnutrition ang kabilang sa feeding program ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na buwan.

Sa Aug. 18 memorandum, iniutos ni DepEd Secretary Armin Luistro ang pagpapatupad ng school-based feeding program (SBFP) upang tugunan ang undernutrition and short-term hunger ng public school children sa buong bansa. Mahigit P1 bilyon ang inilaan para sa nasabing programa.

“For this school year (2014-15), the program will prioritize 562,262 or 100 percent of the Kindergarten to Grade 6 pupils categorized under severely wasted in all schools based on the nutritional status report as of SY 2011-12,” pahayag ni Luistro.

Kung may excess funds, iko-cover na rin ng SBFP ang public school pupils na nagpapakita ng early symptoms ng mild malnutrition, aniya.

Sinabi ni Luistro, ang 120-day SBFP ay inaasahang makapagtuturo sa mga bata ng nutritional values and behaviour at mapagbubuti ang kanilang kalusugan, na magreresulta sa 85 to 100-percent classroom attendance.

Kabalikat sa nasabing programa ang local government unit at non-government organizations.

Karamihan sa target ng SBFP ang mga bata sa Calabarzon region, kabilang ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, na P209.7 milyon ang inilaan para sa 109,237 school children.

Sa Metro Manila, P112.6 milyon ang inilaan para sa 58,673 student beneficiaries. (ROWENA DELLOMAS-HUGO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *