MARAMI ang natawa nang mapakinggan ang pulong-balitaan ni Vice President Jejomar Binay kamakalawa para pa-bulaanan ang mga alegasyon ng korupsyon laban sa kanyang pa-milya sa isinagawang imbestigasyon sa senado.
Sa haba ng litanya ni Binay, wala naman siyang naipakita ni isang dokumento para patunayan na imbento lang ang akusasyon na overpriced nang halos dalawang bilyong piso ang Makati City car park building na kanyang ipinatayo habang mayor siya ng lungsod.
Ang pinagdiinan lang niya ay wala raw ninakaw o tinanggap ni kusing ang kanyang pa-milya sa kahit anong transaksyon sa Makati City.
Pero pagsamahin man ang naging suweldo ng pamilya Binay sa buong buhay nila bilang public officials, mahirap bigyan ng katuwiran ang tinatamasa nilang kayamanan.
Ano ibig sabihin ni Binay, yumaman sila pero ‘di nila maipaliwanag kung saan galing ang kanilang yaman?
Baka naman inililihim lang nila ang pinagmulan ng sangkatutak nilang mga ari-arian at ayaw lamang nilang ipagtapat dahil baka hindi sila paniwalaan.
Hindi naman kaya may alagang “duwende” ang pamilya niya na nagbigay sa kanila ng kayamanan sa loob ng mahigit 28 taon na hawak nila ang kapangyarihan sa Makati City?
Napakabait naman ng alaga nilang duwende, at mula sa pagiging pobre noong 1986 ay pinalobo ang yaman ng mga Binay, na kung bibilangin ay baka kulangin ang maghapon, lalo’t kung iisa-isahing pupuntahan ang kanilang mga ari-arian.
Baka ang malaking suwerte ni Binay, sakali mang may alaga siyang “duwende” ay maaari niyang ipaalam at ikuwento sa publiko para naman ang mga kababayan natin na hanggang ngayon ay naniniwala sa pamahiin ay hindi mawalan ng pag-asa.
BINAY, “PANIC MODE” NA
HALATADONG natataranta si VP Binay sa pag-alingasaw ng mga pinakatatago niyang baho, lalo na’t naniniwala siyang sa 2016 ay siya na ang susunod na maluluklok sa Palasyo.
Lahat naman tayo ay may karapatang ma-ngarap, pero may reponsibilidad siyang ipaliwanag sa sambayanang Filipino kung paano yumaman ang kanyang angkan para patunayan na nararapat siyang pagtiwalaan na maging su-sunod na lider ng bansa.
Batid niya na mahihimay ang bawat detalye ng mga proyektong ipinatupad niya sa Makati City kapag inilarga na ang special audit ng Commission on Audit (COA), at ito ang multong kinatatakutan niya.
Labindalawang taon na ang nakararaan, bi-nuo ng COA ang Special Task Force to Review and/or Audit Contracts involving Purchases and Infrastructure Projects of Local Government Units in Metro Manila at ang pangkat na pinamunuan ni noo’y auditor at ngayo’y Commissioner Heidi Mendoza ang nakatuklas ng anomalya sa mga kontrata sa Makati City government sa panahon ni Dra. Elenita Binay.
Ito ang ugat ng binubunong kasong katiwalian ni Dra. Elenita Binay sa Sandiganbayan hanggang ngayon.
Kung may bagong special audit team na bubusisi sa Makati City parking building at mabubuko na talagang overpriced nang halos dalawang bilyong piso ang inatadong proyekto, posibleng may tsansa na parehong makasuhan ng plunder ang mag-amang Jojo at Jun-Jun Binay, pati na ang iba pang mga sangkot sa proyekto.
Isa pang senaryo na maaaring magdulot ng kilabot sa mga Binay ay kapag isinailalim sila sa lifestyle check at imbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung tama ang ibinabayad nilang buwis, gaya nang pagpupursige ni Kim Henares sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Hindi puwedeng gamitin na kalasag ni VP Binay na suportado ng mga tiyuhin ni PNoy ang kanyang 2016 presidential ambition, dahil ang kredibilidad niya bilang leader ay masusukat sa pagsunod niya sa mga batas bilang opisyal ng pamahalaan.
Kung napanagot ni Juan dela Cruz si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Sens. Juan Ponce- Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, walang dahilan para ba-luktutin ang batas pagdating sa mga Binay.
SA NGALAN NG AMA, NG INA AT MGA ANAK
SA ngalan, aniya, ng Dakilang Lumikha, walang kilabot na sumusumpa si Binay na hindi raw siya tumanggap ng cakeback, este, kickback pala, kahit kuwestiyonable ang sobrang pagyaman ng kanyang pamilya. Siguradong marami ang nangilabot sa sina-bing ito ni Binay.
Harinawa, ang katumbas na karma ng kung tawagin ay ‘blasphemy’sa mga kumakaladkad sa pangalan ng Maykapal sa kasamaan, ay hindi tumagos hanggang sa salinlahi ng kanilang political dynasty, na kung magsipagnakaw ay sa ngalan ng ama, ng ina at ng mga anak.
Tama ba, Bro. Mike Velarde ng El Shaddai?
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
Percy lapid