Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, nagwala at nag-iiyak dahil kay Herbert!

082914 herbert ed de leon

ni Ed de Leon

TALAGANG natawa kami nang kami ang ituro ni Mayor Herbert Bautista sa mga kasamahan naming nag-iinterview sa kanya noong isang araw nang tanungin ang tungkol sa kanyang love life.

Dinugtungan pa niyang kami raw ang nakaaalam ng lahat ng mga crushes at niligawan niya noong araw pa. Mabuti na lang hindi niya binanggit na kahit na noong araw pa, kami ang madalas na kontrabida basta sa tingin namin palpak ang nililigawan niya.

Sa totoo lang, siguro kung hindi pa kami kasing busy ng buhay namin ngayon, at magkabarkada pa rin kagaya noong araw, naawat namin iyan sa ilang palpak na nangyari sa kanya dahil sa kanyang love life. Si Mayor Bistek kasi madaling ma-in love iyan. Basta ang babae ay matalino. Iyong babae ay medyo mataba, o iyong babae ay chinita, pasok iyan kay Mayor.

Maraming niligawan iyang si Mayor noong araw, at marami namang babaeng nagkakagusto sa kanya na hindi naman niya pinapansin. Naalala nga namin iyong isang female star na bigla na lang nag-iiyak at nagwala sa set sa hindi malamang dahilan. Kami lang ang nakaaalam kung bakit. Kasi may crush siya kay Bistek at iyon namang isa ang pinapansin at hindi siya kundi isa rin nilang co-star. Naging malaking gulo iyon noong araw ha, at natatandaan naming nasabihan nga kami ni Boss Mina Aragon na ”ayusin mo iyang mga babaeng iyan ha”. Wala kasi talaga sa ayos eh. Nag-away dahil kay Mayor Bistek.

Pero hindi masasabing alam namin lahat ha. May mga pangyayaring alam man namin, ayaw naman naming pag-usapan kasi personal na iyon eh. Hanggang maaari kasi, kahit na kaibigan namin ang isang artista at nakadikit namin kagaya nga ni Mayor, pagdating sa personal iniiwasan din naming makialam, maliban na lang kung talagang sa tingin namin ay wala sa ayos.

MAY MGA RELASYONG WALA SA AYOS

May mga relasyon ding napasukan iyang si Mayor na wala sa ayos, at hindi kami nangingiming sabihin iyon sa kanya, at diretsahin siyang wala iyon sa ayos. Iyang si mayor naman kasi, tanggap niya kung totoo ang sinasabi mo sa kanya.

Minsan nga may palpak siyang love affair, na napag-usapan namin ng isang common friend. At talagang sinabi naming mali ang pinasukan niyang iyon at kung puwede nga lang “babatukan ko iyan”. Hindi naman nagalit si mayor, at natawa pa nga raw noong sabihin niya, sabi ng aming common friend. Nang magkaharap kami, nagpasalamat pa si mayor sa amin dahil sabi nga niya “sabi ko nga alam ko naman magkaibigan pa rin tayo come what may kaya mo nasabi iyon”.

Totoo naman iyon, siguro nga kami ang laging kontrabida basta wala sa ayos ang pinapasok niya.

Minsan nga may nagtatanong sa amin, “hindi ba kaibigan mo si Herbert?” Kasi nga kung minsan nababanatan din namin siya eh, bakit nga ba hindi eh ang title ng column namin ay Hatawan. Natural basta mali hatawin mo.

Ok lang iyon kay mayor, hindi naman pikon iyan eh, at saka alam naman niya kung hinahataw siya dahil concerned lang sa kanya.

Ganyan dapat ang mga artista at ang mga politiko lalo na. Hindi iyong gagawa ng mali tapos react ng react sa mga humahataw sa kanila. Basta kami ay nanahimik at hindi na humataw, ibig sabihin niyon wala na kaming pakialam sa kanila at para sa amin, non-existent na sila. Pakialam ba namin sa buhay nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …