Sunday , December 22 2024

Hula at haka-haka lang pala

00 aksyon almar

MAGANDA ang naging resulta ng imbestigas-yon ng Senado nitong mga nagdaang araw hinggil sa overpriced daw na gusali sa Makati City na ipinagawa ng pamahalaang lungsod noon sa ilalim ng pamumuno ni dating Makati Mayor Jejomar Binay na ngayon ay Vice President ng bansa.

Bakit masasabing maganda, kasi nahuli mismo ang isda sa sarili niyang bibig. Tinutukoy natin dito ang “the boy who cried wolf” – si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado.

Si Mercado ang nagbunyag at nagreklamo laban kay Binay sa sinasabi niyang overpriced building na ayon naman sa ating Bise Presidente ay isang kasinungalingan.

Bukod pa sa limang beses na rin daw dumaan sa kamay COA pero walang nakitang ano-malya sa pagpapagawa.

Kaya, sabi ng kampo ni Binay, ang lahat ay politically motivated dahil nga siya ang nangu-nguna sa survey para sa pagka-pangulo sa 2016.

Well, lapit na kasi ang 2016 at ang masaklap, magpahanggang ngayon ay kulelat pa rin ang manok ni PNoy para sa pagkapangulo – si SILG Mar Roxas.

Anyway, maganda ang naging resulta ng imbestigasyon hindi dahil sa tinitira ang pamilya Binay kundi, ang mismong complainant na si Mercado pala ang mismong nakinabang sa sinasabi niyang overpriced building. Nahuli siya mismo sa sarili niyang bibig nang umamin sa pagtatanong ni Mr. Trillanes este, Senador pala.

Inamin niya ito habang ang sagot niya sa tanong kung nakinabang din ba si Vice President noon, ay isang haka-haka lang. Lumalabas na ini-asume lang niya pala na nakinabang si Binay noon pero wala siyang konkretong ebidensiya.

Ani Mercado na nagpapakabayani, kung siya raw na Vice noon ay nakinabang, malamang na ganoon din ang dati niyang alkalde. Ha!

Hindi tayo maka-Binay, maka-PNoy, maka-sinoman, kundi ang sa atin lang naman, isang haka-haka lang pala ang akusasyon.

Ewan ko naman ang mga Senador natin kung bakit sila o ilan sa kanila na kapanalig ng kasalukuyang pamahalaan ay sige pa rin sa imbestigasyon.

Sa pagtatanong o pag-iimbestiga nila ay pilit nilang pinalalabas na masama si Vice President o kumita sa sinasabi nilang overpriced building. Hindi lang si Bise kundi maging ang mga anak ay pilit nilang idinidiing masasama o nakinabang sa Makati nang nakaupo ang kanilang tatay sa lungsod bilang alkalde.

Heto nga ang nakapagtataka, hanggang ngayon ay walang isinasampang kaso laban kay Mercado – maaaring kasong graft. Inamin niya na nakinabang siya sa kanyang sinasabing overpriced bulding habang hindi naman niya kayang patunayan na nakinabang ang dati niyang alkalde. Ang kanya lang ay posibleng nakinabang daw si Binay dahil siya ay nakinabang.

Umamin si Mercado pero bakit hindi inirerekomenda ng komite na kasuhan? Paano kasi hindi naman siya ang target ng demolisyon bukod sa hindi naman kasi siya tatakbo sa pagkapangulo.

E paano kaya…kung sakali lang ha. Si Binay ang umamin. Malamang na agad siyang kasuhan. Magkakandarapa pa ang mga Senador na pilit ibagsak si Binay.

Pag-usapan naman natin iyong cake para sa mga senior citizen…ang sabi din ay overpriced daw sa halagang P1,000 pero nang tanungin ni Sen. Tito Sotto kung ano ang naging basehan para sabihing overpriced ang cake. Hayun ang sagot ay hula lang daw.

Ha! Hula! Isa lang ang ibig sabihin nito, itigil na ang imbestigasyon kung hula lang pala ang ebidensiya ihaharap sa Senado.

Oo kung hindi hula ay paniniwalang nakinabang si Binay dahil nakinabang daw siya – Mercado.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *