Sunday , November 17 2024

Nagpakatotoo si ex-Vice Mayor Mercado

00 pulis joey

BUMILIB ako kahapon kay dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa kanyang pag-harap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersiyal na P2.7 billion 11-story Makati parking building.

Ayon kay Mercado, bise alkalde siya, presi-ding officer ng City Council na pumasa sa City Ordinance para sa pagpatayo ng Makati parking building na tinawag ngayong Makati City Hall Building 2.

Ang kabuuang budget raw nila sa naturang gusali ay P1.2 bilyon lamang.

Kaya’t nagulat siya nang marinig sa unang imbestigasyon ng Senado na P2.7 bilyon ang naging budget sa pagpagawa ng naturang carpark.

Naging bahagi raw siya sa unang dalawa ng limang bahaging gusali. Ang naging pondo raw nila sa 1st phase ay P400-M. At nagulat siya kung paano naging P500-M sa 2nd phase. Gayong hindi naman ito ang orihinal na naipasang budget.

Inamin din niyang kumita siya sa 1st phases ng gusali. “Alam ninyo hindi ako talagang sinu-ngaling. Pagtatawanan ako ng mga tao rito. Aaminin ko: Sa Phase 1 at Phase 2 nakinabang po ako.”

Nang tanungin nina Senador Antonio Trillanes at Koko Pimentel kung ang kanyang mayor noon na VP President ngayon na si Jejomar Binay ba ay nakinabang sa proyekto, sagot niya: “Kung ako ay nakinabang, imposibleng hindi nakinabang ang aking mayor.”

Nang ungkatin ng mga senador kung may personal knowledge siya na si VP Binay ay kumamal noon sa project, ang matapang na sagot ni Mercado: “Yun naman po ang kalakaran.”

Si Mercado ay kapartido ng mga Binay simula 1986 hanggang 2010. Naghiwalay lamang ang kanilang landas nang hindi tuparin ni Binay ang pangako niyang siya ang iendosong mayor pagkatapos ng kanyang termino, dahil pinatakbo niya ang kanyang anak na si Junjun, ang kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Ang mag-amang Jojo at Junjun ay kinasuhan na ng plunder sa Ombudsman ng grupong United Makati Against Corruption (UMAC) na pinamumunuan naman ng mga negosyanteng sina Atty. Ricardo Bondal at Nicholas Enciso.

Nadidiin na sa kasong ito ang mag-amang Binay. Ayaw nating isipin na mapasama sila kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na nakakulong ngayon sa plunder case kaugnay ng P10-B pork barrel fund scam.

Pero kapag nakitaan ng Ombudsman na may matibay na ebidensya sa kasong plunder laban sa mag-amang Binay at iniakyat ang kaso sa Sandiganbayan, tapos ang ambisyong maging presidente sa 2016 ng matandang Binay at mada-damay pa ang batang Binay.

Tsk tsk tsk… Ang takaw n’yo kasi sa pera e!

Brgy. 66-A Tacloban City pugad ng mga ilegal

– Gud pm po, Mr. Venancio. Ang Brgy. 66-A ay maraming nagtutulak ng shabu at mga adik na mapa-babae man o lalaki pati mga bata. Talamak din ang mga iligal na sugal dito. Ang masaklap dito barangay officials pa ang may pasimuno. ‘Yung isang kagawad coordinator ng Jueteng-Suertres, yung mga anak ng iba pang barangay officials mga tulak ng shabu. Marami na nga pong kabataan dito ang naging magnanakaw dahil sa pagkaadik sa shabu. Nagnanakaw para may pambili ng droga. Sana ay makarating ito sa aming alkalde, kay DILG Sec. Rojas, sa DILG-Tacloban at sa hepe ng pulisya laluna sa chief ng PDEA na si Cacdac. Dahil ‘yung PDEA-Tacloban ay walang silbi. Salamat po. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

(Dapat ‘yung mga demonyong drug pushers na ‘yan ang inanod ng Yolanda e. Paging Mayor Romualdez, Sir, paki-check ang info na ito ng inyong constiuent. Pakiaksiyonan ang lumalalang droga sa inyong lunsod, Mayor!)

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *