Sunday , November 17 2024

Sungay ni Jojo ‘bigas’ Soliman, dapat nang tagpasin!

00 rex target logo

MATINDI rin talaga si Jojo ‘Bigas’ Soliman!

Makaraang maghari ng may ilang dekada sa Bureau of Customs, eto na naman siya at gumagawa ng matinding ingay sa pag-aakusa kina NFA Administrator Arthur Juan, food security czar Kiko Pangilinan at DILG Secretary Mar Roxas ng pangingikil ng kinse milyones (P15M).

Sina Roxas at Pangilinan ang nanguna sa pag-raid sa bodega ni Soliman sa Malolos, Bulacan makaraang mabuking ang paghahalo ng mga tauhan ni Soliman ng animal feeds sa bigas na nakaimbak sa warehouse nito.

Nagreklamo ang kupalmuks na si Soliman sa NBI ng extortion ‘kuno’ laban kay Roxas, Pa-ngilinan at Juan pero kaya bang imbestigahan ito ng tanggapan ni Atty. Virgilio Mendez kung ganitong isang inaakusahang bigtime rice hoarder ang nagrereklamo sa tatlong taong gobyerno.

Hindi kapani-paniwala ang akusasyong ito ni Soliman na kilalang malapit na kaibigan at business associate ng isa pang kuwestiyonable ang karakter na si DAVID BANGAYAN TAN na isina-sabit din sa smuggling ng bigas.

Balitang ‘super lakas’ daw sa NBI nitong si Soliman at ngayon masusubok kung talagang matatag ang mama o panglabas na itsura lamang ang pagiging matibay sa kanyang mga bayaring opisyal ng bureau.

Kung sa mga nagdaang panahon ay tumubo at nagkasungay si Soliman na minana pa niya sa kanyang Tatay (Joaquin Soliman) diyan sa Bureau of Customs at sa industriya ng bigas, panahon na para ganap na putulin ang matalim na sungay na marami na ang sinuwag at ina-grabiyado.

Totoo rin bang dalawa sa ipinagmamalaking kakutsaba ni Soliman sa BOC ay sina Ka JERSON at JERVY?.

Bukod kay Soliman at TAN, kliyente rin umano nina JERSON at JERVY ang mga bigtime smugglers na sina TINA U at TEVES, MANNY SANTOS Brothers.

Ang masakit, regular na nagkakaloob ng pa-yola para sa media umano ang grupo ni Soliman na ipinadadaan kina B.atm.AN at R.oBIn (national media) ngunit sadyang hindi ipinamumudmod sa ibang kolumnista, editors at publishers na hindi tsokaran ng arsonistang tandem.

May kasunod, abangan!

COPY CAT STYLE SA PARAÑAQUE CITY

Walang masama kung ambisyonin natin pa-minsan-minsan na magaya o makopya ang mga accomplishments ng isang indibidwal o grupo as long as it is above board at wala kang naaapakan.

Pero ang angkinin ang isang magandang bagay na nagawa ng isang tao ay tila hindi na naaayon sa pamantayan ng ating lipunan.

Sa kaso ni former Parañaque Mayor Florencio “Jun” Bernabe na halos isang dekadang nanungkulan bilang ama ng lungsod ng Parañaque , hindi natin maaalis ang magagandang nagawa niya para sa naturang siyudad at para na rin sa kanilang mga mamamayan.

Napakaraming landmark accomplishments si Boss Jun Bernabe noong incumbency as ma-yor of Parañaque City .

Hindi lamang kasi basta ordinaryong politiko ang mama kundi isang tunay na public servant at true blue workaholic person.

Kaya hindi malayong kainggitan siya ng mga kapwa politiko at kopyahin kundi man ganap na gayahin ang kanyang leadership style at mga nagawang mabuti para sa siyudad ng Parañaque.

Ang foul na nakikita ng inyong abang lingkod pagdating sa mga isyung ating inilala-tag ang ginaga-wang pagbubura sa pangalan ni former Mayor Bernabe sa mga proyekto at infra projects na kanyang nagawa at naisakatuparan noong nakapuwesto pa ito.

Ang pagbubura ay ginagawa umano ng mga tauhan ng nakaupong alkalde na si Mayor Edwin Olivarez.

Ipinapalit sa pangalan ni Bernabe ang pa-ngalan ni incumbent Mayor Edwin, which for us is very unfair and very ungentleman’s act.

Hindi ito mabuti sa panig ni Mayor Olivarez dahil hindi nga siya ang tunay na arkitekto ng mga nasabing tinutukoy na pagawain.

Hindi maganda sa paningin ng mga taga-Parañaque na angkinin ni Olivarez ang mga mabubuti at kapaki-pakinabang na nagawa ni former Mayor Bernabe.

In fairness, the two mayors are evenly both good persons pero mali ang estilong ginagawa ng mga tauhan ni Mayor.

Kayang-kaya namang gumawa ng sariling legacy ni Mayor Edwin dahil capable naman siyang magkaroon ng landmark accomplishment as mayor given the chance.

Another thing is, we can not take away from former Mayor Bernabe what is due to him dahil naging mabuti rin naman siyang pinuno ng lungsod.

Ang pinakahuling parangal na ipinagkaloob sa lungsod ng Parañaque ay mula sa National Competitivenes Council na nagdedeklara sa siyudad bilang PH’s most economically dynamic city for 2014.

Ang parangal na ito, though debatable, ay masasabi nating accomplishment ng nagdaang rehimen. Spill over ‘ika nga ang mga nagawa ng administrasyong Bernabe.

Isa sa mga naging basehan ng NCC sa pagpuputong ng nasabing pagkilala sa lungsod ng Parañaque ang hindi matatawaran na potensiyal sa pagiging ‘entertainment and investment destination sa Pilipinas.

Hindi matatawaran ang naging dynamic economic performance ng siyudad and of course hindi ito kayang isakatuparan over night!

Kailangan dito ang isang komprehensibong programa na ipatutupad at sustainable efforts na pinatunayan naman ni former Mayor Bernabe na kanyang nagawa at nagampanan to the fullest.

So payong kapatid lamang Mayor Edwin, ‘wag sanang angkinin ang mga programang hindi naman totoong tayo ang nagpasimula at nagpalago.

Bata ka pa Mayor Olivarez and a lot of good things are on your way. ‘Wag tayong mainggit at lalo wag tayong mainip.

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *