Saturday , December 21 2024

Mababang kotong, hiling ng vendors

00 joy to the world ligaya

Great peace have they who love your law, and nothing can make them stumble. —Psalm 119: 165

AYAW talagang paawat ng mga vendors sa Divisoria, pilit nilang hinihiling sa dating Pangulong Erap na babaaan naman ang halaga ng binabayad nilang taripa sa itinayong mga tent fence.

Umaabot kasi sa P160.00 ang tent fee kada araw sa napakaliit na espasyong ibinigay sa kanila ng Manila City hall.

Pero sabi ni Erap, mura na daw ‘yun!

***

ANG totoo po n’yan dating Pangulong Erap, hindi naman talaga ang upa sa taripa ang inaangal ng mga vendors kundi ang mga hinihinge sa kanilang “tong” ng iba’t-ibang grupo na nagpapakilala mga “sugo” ninyo.

Hindi direktang masabi ng mga vendors sa dating Pangulo nang bumisita ito kamakailan sa Divisoria, dahil naroroon lamang sa kaniyang paligid ang mga inirereklamong kotongero.

Mga nakabuntot po sa inyo!

***

AMININ na natin o hindi may nagaganap na pangongolekta sa mga vendors, bukod sa tent fee ang ilang tiwaling opisyal ng city hall at pulisya. Mula sa P20.00 hanggang P100.00 kada araw.

Ginagamit ang pangalan ng dating Pangulong Erap para makadelihensya araw-araw lalo na ang grupong inatasan niyang mangalaga sa libo-libong vendors Divisoria.

Ang task force kotong este Divisoria!

***

PERO sumbong sa atin ng mga vendors sa Divisoria, sana naman ay ‘wag masyadong garapal na tila ang mga “kotongero” na lamang ang kanilang binubuhay sa dami ng nangongolekta sa kanilang hanay.

Maganda ang ginagawa ng dating Pangulong Erap na personal na bumisita sa Divisoria at kinausap ang mga vendors para alamin ang kanilang kalagayan.

Pero mas okey kung seryosong walisin ang “tong collection!”

SALARY INCREASE SA CITY HALL EMPLOYEES, IBIGAY NA!

NAGHIHIMUTOK pa rin ang mga kawani at empleado ngManila City hall dahil sa hindi pa rin daw naibibigay ang kanilang mga incentives/benefits kabilang ang salary increase na isang batas na obligadong ibigay ng mga lokal na pamahalaan.

Ngayon lang daw nangyari na nabitin ang kanilangsalary increase na tuwing kada dalawang taon ibinigay sa mga empleado ng gobyerno.

***

SANA naman daw ay ibigay na ng maaga ang kanilang mga incentives para magamit ng kanilang mga pamilya sa maraming pangangailangan.

Mahigit 5,000 ang empleado sa City hall at umaasa lamang sa kanilang mga kinsenas at katapusan suweldo. Sana ‘wag na silang paasahin sa pera na para naman sa kanila.

Dahil, aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo!

HETO naman ang mga ipinadalang reaksyon sa atin ng mga avid readers ng Hataw!

INUTIL ANG CITY HALL SA CARNAPPING

Ang kawalang aksyon ng local officials at kahinaaan ng pulisya sa pagsugpo sa krimen ang dahilan kaya laganap ito sa Maynila. Ngayon ay no. 2 capital ang Maynila sa carnapping incidents, lumalabas na inutil ang city hall sa pagpapatalkbo ng gobyerno! –Juan po ng Tundo

TONG IDINAAN PA SA ORDINANSA

Tong express, tama kau che, ‘yan nga ang gs2 nila mangyare kunyare pa cla idinadaan pa nla sa ordinansa ang kawalanghiyaan nila, pls dnt publish my number!

GALIT SA MGA CARNAPPER NA TOWING

Gud am ma’m and mopre power to ur column! tama po kau dyan sa cnbi nyu number 2 carnapping ang maynila, talagang sobra na, kc puro pera ag gngawa ng mga leader! Yan mga towing truck subra tlga yan lalo na ang MTPB dpat pagbabarilin mga kutungero nyan! Pls dnt publish my number

QUIAPO UNDERPASS, KAILAN BUBUKSAN?

Kailan po ba bu2ksan ang quiapo underpass? Para hindi naman kc ginagawa ang loob, underpass lang aabutin pa ng taon bago nagawa? Anu ba yan?!—Danny ng Quiapo

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *