Wednesday , December 11 2024

Geriatric hospital iligtas vs politika

082614_FRONT

Ang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga nakakatanda sa paraan ng National Geriatric Hospital ay labas sa saklaw ng politika.

Ito ang apela ng dating mambabatas na si Benny Abante, Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement, sa Sangay Ehekutibo at sa Kongreso sa kanyang paglikom ng suporta para sa Eva Macaraeg-Macapagal National Center for Geriatric Health (NCGH) na pangunahing pasilidad ng pamahalaan para sa kalusugan ng mga nakatatanda.

“Nandiyan na ang pasilidad na naitatag mula sa dugo, pawis at luha ng mga totoong lumingap sa ating mga nakatatandang kababayan. Hindi na kailangan pang gumawa ng bagong paraan. Buhusan lamang ng pondo ang NCGH,” ayon kay Abante sa kanyang paggiit sa panawagang ilipat na ang pangangasiwa ng nasabing ospital sa Department of Health (DOH).

Bilang pangunahing may-akda ng Expanded Senior Citizen’s Act of 2010, ipinanukala noong 2008 ni Abante ang konsepto ng NCGH na naging batayan sa pagkakatatag ng Dr. Eva Macaraeg-Macapagal NCGH noong Mayo 2010 sa ilalim ng pamamahala ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Inilipat and pangangasiwa ng nasabing pasilidad sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) noong Abril 2014.

“Hindi na mahalaga kung ito ay naitatag noon sa nagdaang pamunuan. Hindi kumikilala ng kulay-politika ang pangangailangan ng nakakatanda, Walang pakialam doon ang ating mga nakatatanda kaya ganoon din dapat ang pagtingin ni Pangulong Aquino. Upang mailipat ang NCGH sa ilalim ng pangangasiwa ng DOH, isang Executive Order lamang ang katapat nito,” ayon sa dating mambabatas.

“P250 milyong piso lamang ang kailangan ng NCGH upang tuluyan nang maisakatuparan ang pagiging totoong ‘national hospital’ nito at hindi lamang isang klinika o dispensaryo. Napakaliit na bagay para hindi matustusan sa ilalim ng kapangyarihan ng Pangulo. Limampung ‘hospital beds’ na ang ibinigay dito ng mga Australyano,” ani Abante.

Isang panukala ang nakahain ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong itatag ang isang panibagong National Center for Geriatric Health.

“Mahabang proseso ang bubunuin ng isang bagong panukalang batas. At kung maipasa man ito, ano ang mangyayari sa lumang NCGH? Habang nakabinbin ang panukala, ang ating mga nakatatandang kababayan at ang kani-kanilang mga pamilya ang pagdurusahin?  Daglian sanang inaatupag ang usaping ito dahil ang lahat ay apektado,” panawagan ni Abante.

Ayon sa United Nations Population Fund, pangatlo ang mga nakatatanda sa pinakanapapabayaang sektor sa Filipinas, kasunod lamang ng mga mangingisda at mga magsasaka.

Sinabi rin sa ulat ng UN agency na ang bilang ng nakatatanda sa bansa ay inaasahang umabot sa 23.63 milyon sa taon 2050, o magtatala ng pagtaas ng bilang na 17.72 milyon sa loob ng 38 taon. Sa taong nabanggit, aabot na sa mahigit 15% ng ka-buuang populasyon ng Filipinas ang nasabing sektor.

“Kapag mas maagang naisagawa ang pagpapabuti ng kasalukuyang impraestruktura, at kung hindi tayo magsasayang ng pagod at panahon sa pagtatatag ng panibagong pasilidad,  mas maayos na matutugunan ang pangangailangan ng nakatatandang sektor ngayon at kung ano pa mang hamon ang darating sa hinaharap.”

Ani Abante, hihingin niya ang suporta ni Vice President Jejomar Binay upang isakatuparan ang bagay na ito.

“Kung may taong gamay ang paglingap sa nakakatanda gaya ng isinagawa niya sa Lungsod ng Makati, bukod-tangi si VP Binay,” dagdag na pahayag. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *