Friday , December 27 2024

Puro pa-timbre sa mga ilegalista ang MASA ni Erinco

00 pulis joey

ANO ba talaga ang papel nitong MASA sa Manila City Hall?

Ang police detachment ba ng Manila Police District sa loob ng City Hall ay inilagay para sa agarang aksyon kapag kailangan ng mayor o para maging kolektong sa mga ilegalista sa lungsod?

Masarap pakinggan ang salitang Manila Action and Special Assignment (MASA). Iisipin agad na ito’y kamay ng mayor para kumalawit sa masasamang loob o kriminal na isinusumbong sa Office of the Mayor.

Noong panahon ni Mayor Alfredo Lim, napakaganda ng accomplishments ng MASA na noo’y tinawag na District Special Project Unit (DSPU) na pinamunuan ng nagretirong si C/Insp. Mar Reyes at pinalitan ng PNPAers na si Sr/Insp. Lorenzo na ngayo’y hepe ng QCPD-Ancar na kamakailan lang ay nakabuwag ng malaking carnapping syndicate sa NCR.

Pero tila iba na ang lakad ngayon ng MASA, sa halip aksiyonan o trabahuin ang napakaraming reklamo ng barangay tungkol sa talamak na droga sa lungsod ay pagpapatimbre sa mga ilegal ang tinututukan ng grupo ni C/Insp. Bernardo Erinco.

Oo, puro pa-timbre na sa mga ilegal na sugal tulad ng jueteng, video karera, bookies, tupada, prostitution dens o night clubs, maging sa vendors at mga tulak ang trabaho ngayon ng MASA ni Mayor Erap.

Pero tiyak na walang alam dito si Erap. Sana lang…

Tumataginting nga raw na P600,000 a week, P1.2M sa kinsenas at P2.4M a month ang kanilang nakokolekta. Amazing!!! Major Erinco… Alam mo ba ‘yan, Sir?

Pati nga raw ang R2 sa Bicutan na pinamumunuan ni Supt. Cabreros ay ipinangongolekta ng taga-MASA mo, Major Erinco?

Ang malalaking illegal gambling financiers na iniikutan ng mga kolektong ng MASA ay sina Don Ramon alyas Sonny, Jun Moriones at Boyet Kalabaw.

Ang pinaka-bagman naman ng MASA, ang mga aktibong pulis na sina Domeng A., Joel A. at nagngangalang Robin na bilas umano ni Joel.

Kung ganito ang mga pulis sa MASA aba’y ang dapat nang itawag dito ay MASAMA!

Pangako ni Erap noong nangangampanya siya sa eleksyon, ipatatapon o ipakukulong niya ang mga pulis na gumagamit ng kanyang pangalan sa mga kalokohan.

Ayan! Mayor Erap… napakatunog sa City Hall ang MASA mo ay naging MASAMA na. Pangalan mo po ang gamit nila!

Tapunan ng salvage sa Old Balara, Tandang Sora, Quezon City

– Magandang araw Mr. Venancio. Isa po ako sa taga-subaybay nyo sa dyaryo. May idadaing lang po ako. Dito po kasi sa Old Balara, Tandang Sora, Quezon City, apat na tao na po ang na-salvage. Ang isa napanood namin sa 24 Oras, ang tatlo wala. Tanong ko lang po: Bakit walang aksyon ang Kapitan namin dito na si Alan Franza? Aantayin pa ba na dumami ang nasa-salvage bago kumilos ang Kapitan namin? – 0948794….

(Ang gumagawa ng pangsa-salvage ay mga pulis din. Sina-salvage nila ang mga pusakal na kriminal na labas-pasok na lang sa kulungan. Wala talagang magagawa ang Brgy. Chairman n’yo sa bagay na ito. Dahil hindi naman sa lugar n’yo ginawa ang pagpatay kundi ginawa lamang tapunan ang barangay ninyo. Walang pananagutan dito ang tserman).

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *