Monday , December 23 2024

Mayor Alfredo Lim: “Simulain ni Ninoy dapat ipagpatuloy”

00 Kalampag percyMARAMING politiko ang napuwesto at nagsiyaman dahil sa paggamit sa alaala ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Sa ika-31 anibersaryo ng pagpaslang kay Ninoy at dalawang taon mula sa 2016 elections, ginagasgas na naman ang kanyang ala-ala para magpanggap na kakampi ng demokras-ya.

Sila ang maituturing na nag-salvage o pumatay sa simulain na ipinakipaglaban ni Ninoy.

Pero iba si dating Manila Mayor Alfredo Lim, isang araw bago ang petsa ng anibersaryo, mas pinili niya ang tahimik at taimtim na pagbibigay parangal kay Ninoy kamakalawa, gaya rin ng kanyang paggunita sa ika-limang death anniversary ni dating Pangulong Cory Aquino.

Para kay Mayor Lim, ang tunay na paggunita sa mga mahahalagang pangyayari ay hindi ginagawang seremonya lang kundi dapat itu-ring na tungkulin ng bawat mamamayan at ga-wing makatotohanan na maramdaman ang adbokasiya ng mag-asawang Aquino, kaysa idaan lang sa propaganda.

Mas mahalaga kay Mayor Lim ang mga maka-mamamayang adhikain at simulain sa pagpapatupad ng tunay na serbisyo sa mga Fi-lipino, una na rito ang karapatan sa libreng edukasyon at serbisyong pangkalusugan na dapat itaguyod ng mga nasa pamahalaan.

Kung si Mayor Lim ang tatanungin, ang ma-kabuluhang simulain na ipinakipaglaban ni Ninoy at ng ating mga bayani ay dapat magsilbing ins-pirasyon sa panunungkulan sa pamahalaan at paglilingkod sa mamamayan.

VP JEJOMAR BINAY, MAGPALIWANAG KA!

MATAPOS ang 28 taon paghahari ng political dynasty ni Vice President Jejomar Binay sa Makati City, ngayon lang naglakas ng loob ang Senado na uriratin ang mga malasadong kontrata sa siyudad na posibleng pinagmulan ng kuwestiyonable at hindi maipaliwanag na yaman na naimpok ng kanyang pamilya.

Sa ginanap na Senate probe kamakalawa, nabatid ng publiko ang iskema ng pag-atado sa isang proyekto para lumobo ang halaga, tulad nang nangyari sa maanomalyang Makati City parking building.

Ayon kay Atty. Renato Bondal, base sa nakuha niyang kopya ng city ordinance na ipinalabas noong 2008, lumilitaw na naglaan ang lokal na pamahalaan ng P2.7 bilyon sa naturang konstruksiyon, pero ang lumabas na kabuuang gastos nito ay nasa P1.5 bilyon lamang.

Mistulang binuhusan ng malamig na tubig at halatang nataranta si Mayor Junjun sa pagdinig nang tahasang ihayag ni Commission on Audit (COA) Chairperson Grace Pulido-Tan sa Senado na magsasagawa pa sila ng special audit sa parking building project.

Dito lumabas ang katotohanan na hindi pa lusot si Binay at taliwas sa naunang sinabi ng alkalde na cleared na ito sa COA.

Nabuko rin na overpriced pala pati ang ipinamudmod na cake ng mga Binay sa mga nagbi-birthday na senior citizen, maging ang mga gusali ng Makati City Hall, Ospital ng Makati at Makati Science High School.

Noon pa mang Marso 2001 ay ibinunyag ni Miriam Grace Go sa kanyang artikulong “The Lord of Makati”, na nalathala sa Newsbreak magazine, ang mga kuwestiyonableng yaman at maluhong pamumuhay ng mga Binay.

Matagal na sanang natuldukan ang political dynasty ng mga Binay sa Makati kung noon pa ay may naglakas ng loob na magsampa ng kaso laban sa kanila.

Ang paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ay may parusa na multa, kulong at “disqualification to hold public office.”

Kung sinusunod ng mga nasa gobyerno ang RA 6713, lahat sila ay dapat mamuhay ng simple, pero kamakalawa ay inamin ni Mayor JunJun na may elevator sa kanyang bahay, at iniulat din sa blogspot ni Raissa Robles na ang mansiyon ni VP Binay ay may industrial-type kitchen at magarbong dining area.

Sa artikulong “The Lord of Makati” ng Newsbreak magazine noong Marso 28, 2001, nabulgar ang pagkakaroon ng sangkaterbang ari-arian ng mag-asawang Jejomar at Elenita Binay na hindi idineklara sa kanilang SALN.

Nang tumestigo si COA Chairman Heidi Mendoza sa kasong graft laban kay Elenita sa Sandiganbayan, isiniwalat niya ang “Pattern of Collusion” sa bidding ng mga proyekto sa panahong alkalde ito ng siyudad noong 2001.

Ngayong unti-unting lumalabas ang baho ng mga Binay, kikilos na rin kaya ang si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares at ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) para matuldukan ang paghahari ng mga “Bathala” sa Makati?

Dapat na rin matapos ang palusot na katuwirang pinopolitika lang sila kapag nabubulgar ang mga abuso at pagsasamantala sa kapangyarihan.

Tama si Sen. Antonio Trillanes IV, dapat harapin at ipaliwanag ni VP Binay ang mga akusasyon ng katiwalian dahil pangulo na ng bansa ang kanyang susunod na puntirya.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *