Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pending cases sa BoC, resolbahin na Comm. John Sevilla

00 pitik tisoy

ANG Bureau of Customs ay patuloy sa paglilinis ng kanilang bakuran by eliminating graft and corruption practices among their personnel and officials.

BoC Commissioner John Sevilla ordered to run after all Customs employees with pending cases to clear their names under Investigation Division at Port of Manila.

Ang bagong aksyon ni Comm. Sevilla ay bunsod ng marami pa umanong mga unresolved cases o mga naka-pending na admin cases for long period of time ay subject for re-investigation.

Hindi naman lihim, na sa nakaraang administration ay marami ang mga nasangkot sa anomalya at smuggling at mga nahuling kontrabando at misdeclared shipments.

Gaya ng kaso ng mga imported na bigas, onions, garlic, flours, steel, motor vehicles, oil products, fish, chicken and meat products without official permit from the authorized government agencies.

Ang pinakamabigat sa lahat, ‘yun 2,000 missing containers sa Port of Batangas na ang utak ng anomalyang ‘yan ay si Boy Valenzuela na hanggang ngayon ay hindi nakasuhan pati na ang mga customs official na kasabwat n’ya.

Ang mga sangkot (Customs official) sa isang anomaly ay kadalasan naghahanap ng kanilang mga padrino to stop the investigation.

Kaya naman karamihan sa kasong ito ay walang final solution or closure of the case, kung sino-sino ang dapat managot.

Ngayon na ang commissioner of customs ay hahabulin na ang mga sangkot na Customs employee sa smuggling cases ay mabibigyan na ng hustisya si Juan dela Cruz.

Yari na kayo!

Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …