Saturday , December 21 2024

Himutok ni Father sa trapik sa Maynila!

00 Joy Ligaya
To me, to live is Christ and to die is gain. —Philippians 1:21

NAKU, mga kabarangay, pati pala ang kaparian ay galit na galit na sa daytime truck ban na ipina-tutupad sa Lungsod ng Maynila.

Paano ba naman, hindi talaga solusyon ang truck ban upang maibsan ang problema sa trapiko ng Maynila.

Wala pang silbi ang traffic asar este czar!

***

NAKARATING sa atin ang galit ng Atenistang pari na siFather Jojo Aguas sa nararanasang trapik sa Maynila dulot ng inutil na polisiya.

Himutok ni Father Aguas na parish priest ng San Exequiel Moreno Parish sa Caloocan City, nagkumpol-kumpol ang 10-wheeler trucks sa kahabaan ng Road 10 at naghihintay ng lifting ng truck ban ang dahilan ng kalbaryo ng maraming motorista.

Okupado kasi ang buong kalsada!

***

KAYA ang resulta, trapik sa nasabing lugar na nagtatagpo sa Maynila, patungo sa Navotas at Caloocan City.

Sabi pa ng pari, inalis nga ang mga bahay sa Road 10 para sa road widening subalit, nakasa-sagabal naman sa kalsada ang mga nakahilera na nagtitinda ng mga saging sa daan.

Napapamura tuloy si father!

KALBARYO KAHIT

HINDI MAHAL NA ARAW

SA araw-araw umano na ginawa ng Diyos, hindi nalutas ng truck ban ang pagsisikip ng trapiko sa nasabing lugar na maituturing na isang pe-nitensya kahit hindi mahal na araw para sa mga motorista.

Idagdag pa rito ang mga buwitreng private towing trucks na walang ibang alam kundi mag-abang na mabibiktima sa lansangan.

Lalo na ang salot na RWM towing services!

***

ABA e, kapitbahay pa pala ni Father Aguas ang pamilyang Estrada sa Polk Street, Greenhills, San Juan kaya himutok niya ito sa kanyang kapitbahay.

Lumalabas tuloy na palpak ang inatasang mangasiwa ng trapiko sa Maynila na mahilig magpapogi sa media.

Naku, ano kaya ang masasabi rito ng dating Pangulong Erap?

DISCOUNT AT FAKE RECEIPT!

MAY nakarating pa sa ating balita na ang hatakan sa mga sasakyan ay mula P1,500 hanggang P3,500, pero makapagdi-discount ka kung makikiusap ka raw sa isang opisyal na nasa Office of the Vice Mayor (OVM) sa halagang P500.

Okey lang sana maka-discount, pero hindi rin naman sa kaban ng Lungsod mapupunta ang ibinayad mo, dahil sa kanilang mga pekeng resibo!

Hindi ba Don Carter Logica ng MTPB?!

***

IN speaking of Carter, matapos daw sabunin ng dating Pangulo dahil sa pagsosolo sa collection este sa trabaho(base sa sumbong umano ni Major Olive Sagaysay) ay naghigpit na raw nga-yon sa kanyang mga tauhan.

Naging mainitin na rin daw ang ulo, palasigaw, dahil hindi raw matanggap ng dating page boy ng City Council ang pagkapahiyang inabot sa opisina ng dating Pangulo, kamakailan.

Aba, kung ako sa ‘yo mag-resign ka na!

PANAWAGAN KAY ERAP!

Tama po kau chairman santos, sobra na ang krimen sa maynila, dpat mglagay na lamang si erap ng task force na tutok sa kriminalidad, kawa2 ang mga estudyante sa U-belt na laging nabi2ktima ng mga holdaper! — 093214265+++

KUTA NG MASASAMA

Sumbong ko lng cnyo che ligaya, nagku2ta ang mga snatcher holdaper dyan sa may quezon bridge, cartimar at isetan, dpat alerto ka kpag napadaan sa mga lugar na ‘yan, ingat lang palagi! Pakitago na lang po numero ko!

PULIS ANG PROTEKTOR

NG HOLDAPER?

Mga pulis ng tres ang protektor ng mga holdaper sa U-belt kya mala2kas ang loob, kahit maraming tao ang nakakita wala silang pakialam! –number withheld

MPD MOBILE CAR, NASAAN?

Totoo pong walang makitang police mobile car na umiikot sa U-belt, umaga pa lng ay umaatake na ang mga holdaper, snatcher sa university belt dhil dagsa ang mga nagsi2pasok sa eskwela, syang lang ang ibinabayad naming mga tax payer ng maynila—Marj ng Tundo

GRANADA, INIHAGIS

SA PEDRO GIL

May naghagis po ng granada ngayong umaga (Lunes) sa Pedro Gil-Taft Avenue, buti nlang hndi pumutok kundi maraming masasaktan, katakot ng magpunta sa maynila! —09084627+++

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *