ni Ed de Leon
TAMA ang sinabi ni Eugene Domingo. Kung mayroon man siyang hindi naintindihan sa kontratang pinirmahan niya sa Star Cinema, na sinabi niyang “napakatuso”, kasalanan na niya iyon.
At least inamin niyang may pagkakamali rin siya at dahil doon kailangang sundin niya ang sinasabi sa kontrata na sa pagkaka-intindi niya ay tapos na. Ganoon ang lahat halos ng mga contract sa entertainment industry, laging nakalagay na ang producer, o ang network ay may “sole option to extend”.
Ngayon kung talagang napag-aaralan ang mga kontrata, hindi mo nga maaalis ang option nilang iyon, pero maaari kang makahingi ng additional benefits naman sa panahon ng extention.
Tama rin naman ang sinabi niya, na usually ang isang artista basta inalok na ng kontrata lalo na ng isang major film company o network, excited na iyan at hindi na halos binabasa ang kanilang pinipirmahang kontrata, kaya in the end nakikita nila ang depekto niyon at nagsisisi rin sila.
Ganyan din naman iyong kaso ni Aljur Abrenica. Natapos na ang kanyang kontrata, pero ipinatupad ng network ang kanilang option to extend, at noong panahong iyon panay naman ang bigay niya ng statement sa media na ok lang dahil happy naman siya.
Ngayon nagrereklamo siya laban sa kontratang iyon, malaking problema iyan. Mahihirapan siyang humingi ng bayad mula sa network na gusto niyang mangyari. Malamang sa hindi siya pa ang pagbayarin dahil sa ipinuhunan sa kanya ng network tapos ayaw niyang tapusin ang kanyang kontrata.
Kaya maganda ang desisyon ni Eugene, sige gawin na lang kung ilang pelikula pa iyan, kaysa smagkaroon pa ng hindi magandang usapan. After all, dito sa showbusiness, you should not burn bridges. Kahit na alam mong nilalamangan ka na, hindi mo masasabi na hindi mo makakatrabaho ulit ang taong isinusuka mo.
Nangyari rin sa isang sikat na aktres. Nakita niya kung paano siya dinaya ng producer niya. Nilayasan niya. Pagdating ng araw, nagbalik din naman siya roon. Alam niya dinadaya pa rin siya. Pinagkakaperahan pa rin siya. Pero wala siyang magawa dahil iyon ang tinakbuhan niya eh.
Ganyan lang talaga ang buhay.