Friday , December 27 2024

Si Palparan na lang sa 2016!

00 Pulis Joey

ANG Pilipinas ay pinamumugaran na ngayon ng mga corrupt at bolerong trapo (traditional politicians), political dynasty, magnanakaw sa kaban ng bayan, mga kriminal at sindikato sa droga.

Kailangan na natin ng lider na may tapang, may pangil, may paninindigan, walang bahid ng korupsyon at hindi galing sa angkan ng politiko.

Hindi si PNoy ang kailangan natin, hindi si Binay, hindi si Roxas, hindi si Marcos at lalong hindi si Erap.

Ang kailangan natin ay ang katulad ni retired military Major General Jovito Palparan.

Oo! Sa profile ni Palparan, isa siyang bayani. Basahin n’yo ito, ang kanyang military backgrounds na nai-share sa atin:

HE’S OUR COMMANDER IN OUR DARKEST HOURS IN COMBAT BEFORE…

IT’S OUR HONOR TO BE HIS MEN NOW IN HIS LIFE’S DARKEST HOUR…

As a young Lieutenant, he serve 8 years in Jolo Sulu and Basilan as a Platoon Leader. He then lead our troops in campaigns and successful attacks of NPA camps in Romblon and Mindoro.

As a Commanding General of 8TH Infantry (STORM TROOPERS) Division, General Jovito Salvaña Palparan, Jr., was the only General who successfully exterminate and reduced the presence of the New Peoples Army in Samar and claims that he could have eliminated the rebel presence completely if he had been given an extension of duty.

As a General, he then later became the Commanding General of the 7th Infantry ( KAUGNAY ) Division in Central Luzon. His last combat deployment was as a Commander of Selected Elite Filipino Soldiers who were the first batch of Philippine Contingent sent to Iraq during the Iraq War.

He retired in a Major General Rank during his 56th Birthday on September 11, 2006.

He end his Brave Military service to our country achieving these RARE Medals of Bravery and Valor in combat: Distinguished Service Stars, Gold Cross Medals, Gawad sa Kaunlaran Medal, Bronze Cross Medals, Wounded Personnel Medals, Military Merit Medals, Campaign Medals, The most effective Commander in fighting the NPA Rebels mentioned by Pres. Arroyo.

See!!! Galit sa kanya ang mga rebelde dahil halos naubos sila ni Palparan. Pero ang lahat ng kanyang mga naging galaw ay nasa Konstitusyon!

Bagama’t nakakulong siya ngayon sa salang pandurukot kuno o “butcher” umano ng mga rebelde o suspected rebels, wala namang direktang ebidensya na magdidiin sa kanya. Nakasuhan siya sa pagsupil sa kalaban ng Konstitusyon, hindi sa pandarambong!

Kaya naisyuhan ng arrest warrant si Palparan ay dahil hindi siya dumadalo sa mga hearing gawa ng may ‘shoot to kill’ order siya sa NPA nang magretiro sa military.

At dahil hindi pa naman siya nahahatulan sa kinakaharap n’yang kaso ngayon, maaari pa siyang tumakbong presidente sa 2016.

Kung sina Gringo Honasan at Antonio Trillanes nga nahalal na senador sa pakude-kudeta nila, bakit hindi natin subukan ang katulad naman ni Palparan para pamunuan ang bansang nasa kuko na ng mga corrupt, mandarambong at sindikato ng droga!

Ano sa palagay n’yo, mga boss?

Holdaper sa UV Express,

3 foreigners

kasama sa nabiktima

– Gud am. Iparating ko lang po ang holdap sa UV Express ngayon lang nangyari po (9am-10am, Linggo), biyaheng Cubao-Buendia. Pito po ang sakay, 3 taga-ibang bansa, negra. Sana po makarating sa kaalaman ng pulisya ito. Nagpa-blotter na po (sa Galas Police Station). Ang punto natin ay nakakahiya po ang bansa natin sa mga taga-ibang bansa. Mga cellphone, pera at mga kagamitan ng mga pasahero ang nakuha nila. Sumakay sila sa Maceda at bumaba sa banda ng QI ang mga walang pusong holdaper. Sana po mamatay na ang mga holdaper sa mga ganitong gawain nila. Isa po ako sa mga naholdap. Napapailing nalang po ang 3 banyagang negra. Sana mabasa ito ng mga kinauukulan at sana po mamatay na yung mga holdaper na yun! – 09163055…

(Araw-araw ay nakatatanggap tayo ng report ng holdapan sa UV Express. Ito na ang paboritong holdapin ngayon. Kasi may CCTV na ang mga bus e. Kaya dapat lagyan na rin ng CCTV ang UV Express)

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *