Saturday , December 21 2024

Crime czar, imbes traffic czar!

00 Joy Ligaya
“Let him who boasts boast in the Lord.” For it is not the one who commends himself who is approved, but the one whom the Lord commends. “ — 2 Corinthians 10: 17-18

HABANG abala ang local officials ng Maynila sa pangongolekta este sa pagmamantine ng trapiko, tila nakakalimutan na nila ang peace and order sa Lungsod.

Dahil kaawa-awa ang mga estudyanteng nabibiktima ng mga holdaper, snatcher sa bisinidad ng Uinversity belt.

Talamak ang krimen sa U-belt!

***

WALANG takot ang mga holdaper, snatcher dahil kahit broad daylight o tanghaling tapat at maraming tao ay lantaran ang kanilang pambibiktima sa mga kawawang estudyante gaya ng nangyari sa isang estudyanteng tumatawid nitong Huwebes sa Loyola St., corner Recto.

Kaya, hindi ko alam kung saan ba inilalagay ni MPD outgoing Director Rolando Asuncion ang kanyang mga pulis, dahil ni anino ay hindi nasila-yan ng araw ng ‘yun.

May magagawa kaya rito ang Pangulong Erap?

***

NASAAN kaya ang 12 bagong mobile cars na ipinagkaloob sa kanila ng dating Pangulong Erap at hindi makita ng publiko, nagroronda sa kalsada?

Hindi kaya mas mabuti pang maglagay na lamang ngcrime czar kaysa traffic czar na wala naman ibang ginagawa kundi magpakitang-gilas sa publiko na nagta-trapik kuno sa lansangan!

Kaplastikan lang ‘yan!

***

HINDI na biro ang malalang problema sa peace and order sa Maynila. Hindi ito natugunan sa nakalipas na isang taon.

Mas inatupag ang pagpapatupad ng truck ban, kaysa kriminalidad na laganap at talamak sa buong Lungsod.

Kawawa talaga ang Manilenyo!

DIRTY HARRY

ANG KATAPAT!

NOONG panahon ni Mayor Alfredo Lim, pinagtuunan ng pansin niya ang peace and order sa Maynila.

Naalala ko noong June 2007 nang manumpa bilang Alkalde sa Bonifacio Shrine sa noo’y Chief Justice Renato Puno si Mayor Lim, binalaan niya ang mga kriminal na bilang na ang araw nila sa Lungsod.

Kaya naman, nagbalot-balot agad ang mga kriminal!

***

TALAGANG si Dirty Harry lamang ang katapat ng mga animal na kriminal. Alam kasi nilang hindi sila sasantuhin ni Mayor Lim. Basta gumagawa ka ng masama, kriminal ka, holdaper, snatcher, rapist, wala kang puwang sa Maynila!

Walang puso si Mayor Lim sa mga kriminal, subalit, may malasakit sa mga naghahanapbuhay nang marangal gaya ng vendors at iba pa.

Noon ‘yun, e ngayon?! Kayo na ang bahalang mag-isip!

ATIENZA’S REPORT

NAPADALHAN tayo ng kopya ng mga nagawa ni dating Manila Mayor at ngayon Buhay Partylist Representative Lito Atienza.

Isa sa nakapukaw sa atensyon ng inyong lingkod ang panukalang House Bill No. 4445 or an Act Mandating All Business Establishment in the country to institutionalize profit sharing.

***

MAGANDA ang panukalang ito ni Rep. Atienza na magkaroon ng bahagi ang mga manggagawa sa kita ng kapitalista, bukod sa kanilang suweldo.

Sampung porsiyento ng net income ng kita ng negosyo ang nais ni Rep. Atienza na maibahagi ng employer sa kaniyang mga employee, mapa-regular o contractual.

Panalo ito mga kabarangay!

PROFIT SHARING SCHEME

BAHAGI kasi ng pag-unlad ng isang negos-yo ang mga manggagawa, kaya nararapat lamang na magkaroon ng”profit sharing.”

Kumbaga, pakunsuwelo de bobo na lamang ng mga establisimento o negosyante na kumikita nang labis-labis dahil na rin sa tulong ng kanilang mga manggagawa.

I-push mo na ‘yan sa Kamara, Congressman!

PERFECT ATTENDANCE

NALAMAN din natin na perfect attendance pala si Cong. Atienza, always present sa mga session sa Kamara.

Bibihira na lamang ang ganitong klaseng mambabatas na masipag pumasok at makipagbaliktaktakan sa kapwa mambabatas. Kahit noon pang Mayor ng Maynila ay masipag na talagang pumasok sa kanyang opisina

Kumbaga, Atienza natural na ‘yan!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *