Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coloma namamangka na sa dalawang ilog?

00 Pulis Joey
BATAY sa bagong resulta ng SWS Survey, buma-ba na naman ang approval rating ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino lll.

Pero mas mataas pa rin ito kung ikukumpara sa ratings ng mga naunang presidente.

Gayunpaman, nararapat pa rin pagtuunan ng pansin lalo na’t halos dalawang taon na lang ang natitira sa termino at malapit na naman ang elek-siyon – 2016.

Sa ganitong mga pagkakataon, masusukat ang kakayahan ng communications’ office ng pangulo na ipamalita ang mga naging tagumpay ng administrasyon.

Maitatanong nga natin: Ano kayang ginagawa nina Sonny Coloma, Rene Almendras at ng PCOO para tugunan ang nagbabagong persepsiyon ng mamamayan sa ating Pangulo?

Ang balita nga natin, mula pa noong Disyembre 2013, si Coloma na ang pumuposturang tagakumpas ng communications ng Malakanyang. Siya kaya ang dahilan ng pagbaba ng ratings ng Pa-ngulo?

Hindi naman ito mahirap paniwalaan. Kung wala kayong ibang mapanood, subukan n’yong sumilip sa PTV4, na nasa ilalim ng PCOO at dapat na tagapagpalaganap ng mensahe ng presidente. Pero ang nangyayari, kaliwa’t kanan ang imbi-tasyon sa mga miyembro ng oposisyon para magsalita tungkol sa iba’t ibang isyu. Ano pa nga bang sasabihin ng mga bisitang ito tungkol sa Pangulo?

Alam naman nating marami na ang pinagda-anan nina Coloma at ni VP Binay. Kung gustong mamangka sa dalawang ilog ni Coloma, huwag naman sana siyang masyadong obvious. Gawin niya ang trabaho niya bilang pinuno ng communications office ng presidente imbes tumambay sa Valley Golf Club at pumasyal sa Paris kasama ang barkada niya.

Hindi biro ang budget na ibinigay sa PCOO – Batay sa GAA ng 2014, P1.13 bilyon. Kaya naman kataka-taka na kapag tinanong mo ang karaniwang Pilipino tungkol sa detalye ng mga programa at proyekto ng pamahalaan, ang sagot nila ay ‘wala akong alam’ maliban na lang doon sa mga tiyak na benepisaryo ng programa at proyekto.

Kung hindi ito napapansin ng Pangulo, naku po… Mr. President. Delikado ang pag-aalaga ng anay sa sariling bahay.

May punto si Erap sa isyu ng “Chicken Sad” ng Jollibee…

Sabi ni Erap, hindi dapat isisi sa Manila truck ban ang pagkaubos ng suplay ng manok dahilan para mawala sa menu ng Jollibee ang “Chicken Joy” na ang tawag ngayon ng mga suki nito ay “Chicken Sad.”

Tirada ni Erap: “Bakit ang McDo may chicken?”

Oo nga naman. Mantakin mo, naisip ni Erap ang balidong rason na ito? Ha ha ha…

At hindi lang McDo ang may manok ha? Meron din ang Kentucky…

Kaya duda tuloy tayo na ang suplay na manok ng Jollibee ay galing sa ibang bansa, partikular sa China.

At dahil may problema nga ngayon sa mga pier sa Maynila, nagkaroon ng port congestion dulot ng pinahabang truck ban, hindi naibababa sa oras mula sa mga barko ang imported meat ng manok at iba pang goods.

Anyway, may unsolicited advise tayo kay Erap, ano kaya kung gawin two lanes ang pila ng mga truck mula sa mga pier palabas ng Maynila para naman hindi mamomroblema sa trapik ang mga motorista? Gawin muna itong expiremental in one week. Let’s try…

Feel ni PNoy mag-2nd term…

Naku po… feel na ni Pangulong Noynoy Aquino na baguhin ang Saligang Batas ng 1987. Gusto ni-yang mag-2nd term!

Gusto nya raw kasing ituloy ang kanyang mga sinimulang proyekto at limitahan ang aniya’y limitless na kapangyarihan ng Korte Suprema.

Dineklara lang ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP (Disbursement Acceleration Program) ng PNoy at PDAF (Priority Development Assistance Fund) ng mga mambabatas (senador at kongresista) ay gusto na agad ni PNoy na baguhin ang Konstitusyon. Tsk tsk tsk…

Feel yata ni PNoy na gayahin si Marcos? Maging dikatador!

Sige, Mr. President, push mo ‘yang kabaliwan… at nang ma-EDSA tres ka…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …