Friday , December 27 2024

Pasadsad nang pasadsad ang satisfaction ratings ng Aquino government

00 Pulis Joey

PABABA nang pababa ang satisfaction ratings ng administrasyong Aquino, habang papatapos ang termino ni PNoy sa Hunyo 30, 2016.

Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Hunyo 27-30, bumagsak sa “mo-derate” +29 ang net satisfaction rating ng gob-yerno.

Ito’y mula sa “good” +45 points sa 1st quarter ng 2014 at “very good” +51 bago matapos ang taon 2013. Ayon sa SWS, mas mababa pa ito sa unang naitalang +44 points ng Aquino admin noong Mayo 2012.

Sa unang taon ng kanilang pag-upo noong 2010 ay halos pumalo sa +70 ang kanilang ratings. Ito’y dahil sa ipinangalandakang “tuwid na daan” at ipinagsigawang”Kayo ang boss ko. Kaya hindi puwedeng hindi ako makinig sa inyo!” ni PNoy.

Pero dahil sa pagkabuking at pagdeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang inimbentong Disbursement Acceleration Program (DAP) na galing sa savings ng mga government agency ang pondo na ipinamumudmod sa mga kaalyado ng Pangulo, nawawala na ang pagtitiwala ng taong bayan kay PNoy, sa kanyang administrasyon.

Inaasahang sasadsad pa ito sa mga susunod na surveys lalo’t malaking problema ngayon ang food supplies sa bansa, na sinisisi ang daytime truck ban sa Maynila.

Anyway, hindi lang ang satisfaction ratings ng Team Aquino ang bumagsak kundi maging ang Kongreso. Ito’y dahil naman sa DAP at PDAF (pork barrel) na hindi maipaliwanag o maipakita ng mga mambabatas kung saan at paano nila nilustay ang daan-daang milyong pondo na nakuha nila sa Department of Budget.

Asahan natin, mga igan, sa 2015 kapag bu-maba nang bumaba pa ang ratings ng Team Aquino, tiyak maglilipatan na ng partido ang kanilang mga kaalyado na naghahangad ng panibagong termino sa 2016. Mismo!

May ari ng gusali sa Divisoria kontra sa ‘hawla’ ng vendors

– Isa po ako sa may-ari ng building sa Recto at ‘di nga po ako sumasang-ayon sa ginagawa nilang paglalagay ng bakal sa harap namin. Bakit sila nagpapagawa ng mga bakal na yun nang ‘di muna nagsasangguni samin? Kaya malakas ang loob nila dahil natapalan na nila ng pera ang mayor at vice? Pano na kami na nagbabayad din ng business permit at real estate tax? Sana patuloy ninyong kalampagin ang mga kinauukulan para ma-realize nila na mali ang ginagawa nila sa kanilang sinasakupan. Naluklok sila sa pwesto nila para mapangalagaan ang mga mamamayan, hindi yung natatapalan sila ng pera. – 09228124…

Suggestion laban sa ‘riding in tandem’

Para ganap na mawala ang perwisyo at krimen na gawa ng ‘riding in tandem’, tama lang na ipagbawal ang nakasakay sa motor na hindi magka-ano-ano o kamag-anak at dapat kung riding in tandem ang sakay at magka-anak, dapat isang lalaki at isang babae ang lulan sa motor, hindi pwede parehong lalaki kahit magkamag-anak pa. Bagama’t isang lalaki at isang babae ang lulan sa motor na mag-kaanak, hindi pwede na ang driver ay yung babae, dapat ang driver ay lalaki. Sa ganitong paraan o sistema ganap na mawawala ang krimen dulot ng riding in tandem. – 09104908…

Puna sa ‘human rights’…

Gud am, Mr. Venancio. Anong klase yang human rights na yan? Pag Fililino nahuli sa droga sa China, bitay. Pag dito, sinampal lang ni Mayor Bistek, kakasuhan pa ang mayor. Ilan pang kabataan ang sisirain ng droga? Baka adik yang human rights na yan!? – 09234218…

Oo nga, napaka-‘OA’ ng ating commission on human rights. ‘Yang drug pushers lalo na bigtime dealers ng shabu ay hindi na dapat binibigyan ng kahit katiting na pagpanig ng human rights. Dahil sa laki ng shabu na nakuha sa Chinese na iyon, ilang libong kabataan o pamilya ang sisirain nito. Aba’y masuwerte siya at sampal lang ang inabot n’ya kay Mayor Bistek, kung sina Mayor Lim o Mayor Duterte ang na-encounter n’ya baka kapiling na s’ya ngayon ni Taning!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *