Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-QC cop nagpapakilalang bagman ni Gen. Pelisco ng DILG

00 target rex
SINO ang isang alyas William Cajayon na ang totoong pangalan ay si RY Alvarez, isang dismissed cop umano ng QCPD?

Asensado na umano ang kupal at kahit pa nga raw sinibak na bilang pulis ay may bagong papel na ngayon bilang bagman ni General Danilo Pelisco ng Special Police Assistance Office ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bitbit ni RY ALVAREZ aka William Cahayon atWendel, ang pangalan ng mabunying heneral sa pangongolekta ng ‘payola’ mula sa illegal gambling, mga bahay-aliwan cum putahan at sa illegal drugs.

Isa pang ginagamit ay alyas Capt. Mike Blanco umano ang nagtatago sa alyas Cahayon para pumapel na bagman.

Panay na umano ang ikot nitong si RY ALVAREZ sa buong NCR hanggang sa PRO-4-A.

Ang masakit, pati ilegal na droga ay pinatulan na rin ng grupo ni Cahayon kasama ang isang Rico Posadas na nakabase sa lalawigan ng Cavite at Jay Mendoza na taga-Sto. Tomas, Batangas.

Tila mabigat ang grupong ito dahil diyan mismo sa tanggapan ni DILG Sec. Mar Roxas naglulungga.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parami nang parami ang mga miyembro ng pulisya na nangongolekta ng ‘payola.’

Bakit tila sa sugal at illegal drugs nakasentro ang paningin ng tanggapan ni Sec. Mar Roxas at ng mga malalapit niyang mga tauhan?

Maging sa Visayas at Minda-nao ay target na rin pasadahan ng grupo.

Huwag naman sobrang garapal sa pangongolekta ng pera mga pare ko! Masyado ka-yong nagpapaha-lata!

Kahit ‘crying money’ (drug money) kinakana n’yo!

May karma ang bawat masamang inyong ginagawa!

Baka imbes maging LP standard bearer ang amo ninyong si Sec. Mar ay maging pindeho bigla at maitsapuwera!?

Hehehe … nagpapaalala lamang po!

HAPPY 11th ANNIVERSARY POLICE FILES TONITE

Buong pusong pagbati at pagpupugay ang ipinagkakaloob ng abang pitak na ito sa ika-11 anibersaryo ng ating mahal na pahayagang Police Files Tonite.

Congrats din po sa ating publisher, Boss Joey Venancio na sadyang nagsumikap upang maitayo ang pahayagan na ngayo’y isa na sa maituturing haligi ng tabloid publishing sa tulong na rin ng isa pa nating tunay na amo at boss na si Ginoong Jerry Yap.

Ipinagmamalaki po natin na ang PFT ay isa sa mga higanteng newspaper tabloid na tinatangkilik ngayon ng masang Pinoy.

Kompleto po ang PFT sa sangkap ng isang tunay at makabuluhang pahayagang tabloid.

Siksik sa maiinit at tapat na balita, matatapang na komentaryo, hot showbiz news at sports stories.

Tipikal na pahayagan ng masipag nating publisher/editor na si Mr. Joey Venancio.

Hindi lamang po tayo nakapaghahatid ng importanteng mga balita sa mamamayan bagkus ay nakapagkakaloob din po ang PFT ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtulong at pagtugon sa mga hinaing ng maliliit nating kababa-yan na biktima ng inhustisya at kahirapan.

Pagpapasalamat rin ang sukli ng inyong lingkod kina Boss Joey at Boss Jerry sa pagkakataong ipinagkaloob sa atin upang maging bahagi ng pinagpipitagang pahayagan.

Mabuhay ang Police Files Tonite… mabuhay ang industriya ng pamamahayag. Mabuhay ang press freedom!

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …