Sunday , November 3 2024

DND officer na may 2 prangkisa ng sikat na fastfood chain

00 Pulis Joey

TOTOO ba itong impormasyon ng aking Secret Service agent na may isang opisyal ng Department of National Defense ang subject ng usap-usapan ngayon sa military dahil sa pagkakaroon ng 2 prangkisa ng isang sikat na fastfood chain na kinakapos ngayon sa suplay ng manok?

Saan kaya galing ang ipinambili nitong opis-yal ng prangkisa na nagkakahalaga ngayon ng P75 million? Wow!

Pasok ka niyan Sir! sa PLUNDER case. Dahil lagpas P50-m yan! Sasakit naman ang ulo ng mga kaibigan natin niyan sa media dahil madadagdagan ang babantayan nilang kaso sa Sandiganbayan. Talo mo pa Sir! ang isang kongresista na burger lang ang kayang bilhin gamit ang kanyang pork barrel…

Ito pa lang si “Mr. Langhap Sarap” ay miyembro ng Bids and Awards Committee o BAC ng DND. Tamang-tama dahil may bidding kahapon, Agosto 11, sa DND.

Ayon sa aking SSA, hindi naman hikahos sa buhay itong si Mr. Official na kaapelyido pa ng isang broadcaster kaya nagtataka sila kung bakit naging “gahaman.” Ayaw ni Jun Lozada ng ganyan.

Mantakin mo ba naman Defense Secretary Voltaire Gazmin, wala naman siyang kinalaman sa gagawing pagbili noon ng Philippine Army ng armor vest ay nakialam sa bidding. Mabuti na lang at natalo sa bidding ang pinapaborang kompanya ni Mr. Langhap Sarap.

‘Di ba ganyan din Sir! ang ginawa mo sa deal sa isang European company na nag-presinta ka na maging local representative. Nakupo! Maliwanag pa sa sikat na araw na “conflict of interest” ang ginagawa mo Mr. Langhap Sarap. Ikaw na ang nagpapa-bid at ikaw rin ang local representative ng bidder. Di kaya lugi ka niyan Sir?

Pasok ba, Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang ganong gawain sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Ethical Standards for Public Officials and Employees?

Lagot ka Sir! Kapag nabasa ito ni Ombudsman ay baka madale ka ng ‘moto propio’ power nila. Ibig sabihin ay pwedeng mag-imbestiga ang Ombudsman kahit na walang complainant.

Eto pa, Sec Gazmin! May brand new na “Big Bike” si Mr. Langhap Sarap.

Yan ba Sir! ang ginagamit mo kapag nag-i-inspection sa 2 mong tindahan ng manok? Kung hindi ako nagkakamali ay milyones ang halaga ng bagong laruan ni Mr. DND official. Tulad ka pala ng isang Broadcaster na mahilig sa motorsiklo. Ginaya mo rin ba sir si Mr. Broadcaster na ipinasauli ang nahuthot na motorsiklo dahil hindi ito ang type niya? Sabi noon ni Mr. Broadcaster: Anong palagay niyo sa akin “PIPITSUGIN?”

Anyway, sa susunod na column ka na lang Mr. Broadcaster.

Galing ba, Mr. Langhap Sarap, sa isang European Company ang motorsiklo mo? Sila ba ‘yung nagbenta sa DND ng 8 Polish-made Sokol 921 military chopper noong 2012 sa halagang P2.8-B?

Isa sa 8 Sokol helicopter ay bumagsak nitong nakaraang Huwebes matapos mag-take-off sa Camp Ranao sa Marawi City.

Nitong Hulyo 2013, isang Sokol na magda-dala sana kay SND Gazmin sa Clark Airbase sa Pampanga ang hindi pinayagang umalis ng Camp Aguinaldo dahil sa mahinang baterya. Karma ba ang nangyayari? Dahil sabi ng aking Secret Service agent ay nagkaayusan sa pagbili ng mga nasabing helicopter.

Ang lakas ng loob ni Mr. Langhap Sarap lalo nga naman at nakapwesto na siya sa DND wala pa si SND. Hindi nga naman siya sakop ng “Daang Matuwid” dahil nauna siya sa pwesto kaysa tropa ni SND.

Totoo rin kaya itong nabalitaan ko na pati bidding para sa Anti-Submarine Helicopter ay pina-kikialaman mo rin Mr. Langhap Sarap?

Sir! Moderate your greed. Baka matulad ka sa isang kanang kamay ng lokal na opisyal na pinapatay matapos malamang mas mayaman pa sa elected official. Tama ba Mayor???

Abangan ang susunod na kabanata sa buhay ni Mr. Langhap Sarap!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

ni Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *