Saturday , November 23 2024

Nagsasabi nang totoo si Abad, pinuri si Lacson

00 parehas salgado
NOONG humarap sa Senado si Budget Secretary Butch Abad kamakailan, lumabas ang kanyang naturalesa sa pagsisinungaling at hindi nagtaka ang mga nakapanood dahil isiniwalat niya ang mga tumaggap ng DAP at PDAF mula sa administrasyon at oposisyon.

Siya ay walang duda na isa lamang ang hindi tumanggap ng pera, walang iba kundi si dating Senator at ngayon ay rehabilitation Czar na si Panfilo Lacson. Binansagang Mr. Clean dahil hindi nasilaw sa

P200-milyon pork parrel para sa mga Senador noong siya ay Senador pa.

Kaya sumasaludo tayo kay Sec. Abad sa kanyang pagsasabi nang totoo at lalo silang humahanga kay Lacson.

Saludo sila kay Ping at ganoondin ang buong sambayanan.

Noong siya pulis pa hanggang naging hepe ng PNP, hindi siya nasangkot sa ano mang anomalya hanggang maging Senador.

Ganoon din ang tinahak na malinis na panunungkulan kaya ang pagbubunyag ni Abad ay habambuhay sa mga nakarinig na hanga sa kanya at ipinagmamalaki nila si Lacson. Kaya taas noo si Lacson na nakapaglalakad kahit saan at lahat ng nakakasalamuha ay hanga sa kanya.

Kabayan may pag asa pa tayo, hindi lahat ng mga politiko ay marumi at masasama, marami pa riyan marangal at maaasahan. Tulungan natin siya dahil isang kagaya niya na hindi nangupit ng kahit singkong duling para sa kanyang sariling interes. Si Lacson ay maaasahan kahit sa anong oras kaya iniingatan niya ang pondo ng Yolanda victims at sinisiguro niya na ang pondo ay mapapasakanila.

Si Lacson ang ating pag-asa sa bayan natin, tularan po natin siya at magsisilbing aral sa lahat ng politiko na mayroong Lacson na kagaya niya.

Mabuhay ka Ping! Kasangga ka ng bayan.

MGA NEGOSYANTE UMAANGAL NA KAY SEVILLA

Nakalulungkot ang nangyayari sa Bureau of Customs dahil umaangal na ang mga negosyante dahil sa pahirap na ginagawa ni Commissioner Sevilla na ayon sa mga negosyante na nagsusmbong sa atin ay bankrupt na sila.

Saan ka nakakita na ang Commissioner ay hindi man lang maiayos ang mga container van na nasa loob ng pantalan at halos wala nang paglagyan ang mga kargamento na dumarating sa ating bansa.

Napakalaki na raw ang kanilang binabayarang taxes tapos ang dimurahe storage na halos daang libo ang babayaran dahil sa nakaimbak na mga container van.

Diyan mo makikita na si Sevilla ay walang pakialam, masyado raw siyang pahirap, maliit na bagay na may diperensiya na kargamento ay kanyang ipinahuhuli hindi na baleng mabulok ang mga karne, sibuyas, bawang at mga sasakyan basta lamang mahuli niya.

‘Di ba Koleksyon target na para sa bayan ang ating kailangan bakit kailangan sayangin ang mga kargamentong ‘yan na pakikinabangan at makakain at isa pa ang pera ay mapupunta naman sa gobyerno.

What a shame Sevilla.

Sabi ng mga negosyanteng bakla na nakakausap ko, ano ba ‘yan?

Grabe na ang pangyayaring ito, maawa naman kayo sa mga negosyante.

Hindi ko kinakampihan ang mga negosyante, marami naman talagang garapal diyan na hindi nagbabayad ng tamang buwis at nandadaya naman sila talaga at in fairness naman kay Sevilla kahit paano ay mayroon naman katiting na accomplishment kasi nga naman sayang ang kanyang pinag-aralan sa abroad kuno kung hindi makakukuha ng accomplishment kaya dapat huwag pahirapan ang ating mga negosyante dahil sila ang number one na nagbibigay ng ambag sa kaban ng bayan.

Dapat lang talagang baguhin na ang paghari-harian pag nakatuntong sa kapangyarihan.

Iisa lang ang hinahangaan ko sa bansang ito, alam ko na hindi nagnakaw at hindi corrupt ang aming big boss sa Hacienda Luisita at boss niya ang bayan ay walang iba kundi si Pangulong Noynoy Aquino.

Mr. Sevilla dapat paganahin mo rin ang puso mo, hindi puro utak and make Jesus the center of your life.

Maawa ka sa mga empleyado na may mga kanser.

Pero kasuhan mo ‘yung mga garapal at magnanakaw at ganid sa pera sa bureau of customs.

HOLDAPAN SA RECTO AVE. TALAMAK

Paging Manila police District, may mga holdapan na nagaganap sa Recto lalo sa Doroteo Jose sa daanan ng mga pasahero papuntang Isetan.

May mga nabiktima na mga estudyante d’yan.

Sana aksiyonan ninyo agad bago may mabiktima ulit ang mga holdaper.

Gising-gising din at maging alisto sa mga nangyayari at balita ko bata raw ng ilang pulis ang mga gumagawa ng holdapan lalo ang mga Batang City Jail.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *