ni Ed de Leon
MAY isa pang pangalan ng babae na sinasabing siyang kasama ni Paolo Bediones sa sex video, ang babae ay sinasabing may pangalang Angel Gutierrez na ayon sa sources ay isang model. Pero wala pa ring statement mula sa kanya at hindi rin malaman kung saan siya hahanapin.
Sinasabing na-delete ang mga rati niyang social networking accounts matapos na lumabas ang sex scandal. Gayunman, may nailabas pa ring ilang pictures niya sa internet.
Kung kami ang tatanungin, mas mabuti na ngang huwag na lang magbigay pa ng anumang statement iyang si Angel Gutierrez na iyan. After all, makalipas nga lang ang ilang araw, makakalimutan na ang video na iyan, maliban kung totoo nga ang tsismis na hindi lang daw isa kundi tatlo iyang sex video na iyan ni Paolo. Kung si Paolo nga na mas kilala at siya talagang apektado sa sex video na iyan hindi na lang pinatulan ang issue eh.
Pero nakatatawa ang report na nakita namin sa isang website, mas nag-trending pa raw sa mga social networking site ang tungkol sa sex video ni Paolo kaysa sa pag-iyak ni Presidente Noynoy noong SONA. Natakpan din ang pag-iyak ni Kris.