Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, effective endorser (Natural beauty kasi ang ipinakikita)

080614 solenn Heussaff
ni Ed de Leon

DUMATING ng walang make-up si Solenn Heusaff noong i-launch siya bilang endorser ng Calayan Surgicentre. Lahat ay nagsasabing maganda raw si Solenn kahit na walang make-up. Ibig sabihin ng mga ganyang comment, successful ang kanyang endorsement.

Kasi ang ipino-promote nga niya ay isang bagong facial services ni Dr. Manny Calayan na ipinangalan pa sa kanya. Eh kung dumating siyang naka-make-up, masasabi pa ng mga makakakita sa kanya na talagang epektibo ang ipinakikilala nilang facial procedure. Iyon ang mali ng ibang mga endorser ng mga derma clinic na iyan eh. Derma ang ipinakikilala, tapos darating kargado ng make-up. Eh paano mong malalaman kung may mga “sikreto” pa nga sa balat iyon? Kailangan pa bang magtanong doon sa attorney na expert sa paggamit ng concealer at make-up? Aba naman.

Dapat iyang mga artista matuto naman. At siyempre iyong mga doctor sabihan naman nila ang kanilang mga endorser na huwag namang mag-make-up para makita ang talagang gandang nagagawa ng kanilang mga produkto at mga procedure.

Kung sa bagay, ibinulong nga sa amin ni Alex Datu, iyon daw ang kaibahan ni Calayan. Hindi kagaya ng iba na ang gaganda nga ng mga poster at billboard pero ang nagpapaganda pala sa mga modelo photoshop. Aba eh kung ganoon din lang, hindi dapat tawaging skin expert ang mga iyon kundi mga photo editing expert. Kung maitatago mo nga ang mga sikreto dahil sa photo editing, aba eh nakakatawa iyan.

Kagaya rin niyong isang gumawa ng ad ng isang dermatologist din na ang ina-advertise naman ay body slimming. Ang ganda talaga niyong poster, tapos nasalubong namin iyong model mukhang sako pa rin ng bigas. Eh nasaan iyong slimming method? Iyon pala edited nga lang ang picture. Aba eh panloloko iyan sa mga tao.

Kaya tama ang ginagawa ni Calayan. Walang retoke. Walang make-up. Ipakita mo ang natural para naman makita ang epekto ng mga pagpapaganda nila.

PAGDEDEMANDA NG BABAENG PINAKASALAN DAW NI DEREK, ‘DI NA BAGO

HINDI na bago iyang kuwento na idinemanda si Derek Ramsay ng isang babaeng pinakasalan niya at sinasabing nakasama ng ilang buwan. Mga dalawang linggo na yata naming naririnig iyan bago pa lumabas eh, pero hindi kasi namin pinakialaman dahil nasa korte na iyan, isa pa personal na buhay na niya iyan eh. Hindi naman apektado iyan sa kanyang pagiging isang artista.

Iyong mga ganyang problemang personal, hayaan nating gawan ng solusyon ng mga artista sa personal nilang paraan. Halimbawa iyan ngang kaso ni Derek, simula’t simula naman pala noong magpakasal sila ay talagang hindi na sila magkasundo. Tapos nga nagkahiwalay sila bago pa man isilang ang kanilang anak. So problema nila iyan. Ano ba pakialam natin?

DILAW NA KULAY, NAKADE-DEPRESS LANG

BALIKTAD kami ni Kris Aquino. Sinabi kasi niya na araw-araw daw ay magsusuot siya ng dilaw sa kanyang mga TV show. Kami naman, sinunog na namin ang lahat ng aming T-shirts na dilaw. Talagang sinunog na namin dahil baka maisuot pa kung ipamimigay namin eh.

Ginawa naman namin iyan dahil sa nabasa naming isang study na iyan daw kulay dilaw ay nagiging sanhi ng depression. Ibig sabihin basta nagsuot kayo ng dilaw, made-depress lang kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …