Friday , December 27 2024

Mga nagpapakilalang bagman ng PNP-NCRPO ipinahuhuli na ni Gen.Valmoria!

PIKON na pikon na marahil si PNP-NCRPO Director Carmelo Valmoria sa patuloy na pangongolekta ng payola ng mga tarantadong pulis cum bagman mula sa mga ilegalista sa Metro Manila gamit ang NCRPO kung kaya’t tahasan na niyang ipinag-utos ang paghuli sa mga tarantadong sina HIKA LLANADO, KAPRE KRUS, BOY OGAG, JUN LAUREL, CRIS RETARDED, ESPELETA,

Obet Chua, Ed sapitula, William Cajayon at VER-BAHO NAVARRO.

Sila umano ang patuloy na umiikot sa Kamaynilaan para humingi ng payola mula illegal gambling, prostitution at illegal drugs.

Sila rin daw ang may kanya-kanyang pa-JUETENG, butas ng bookies sa karera ng kabayo at VK machines.

Sa siyudad ng Maynila na lamang, tila mga kabuteng nagsulputan ang mga bookies ng karera at VK.

Talamak ang tambalan FERDIE SY at OBET CHUA na nagkalat ang bookies sa

Estero Cegado sa Quiapo, Tambacan sa Chinatown, Jorge Bocobo, Alhambra at Salas sa Malate.

Sa parte naman ng Tondo na nasasakupan ng MPD Station 1 at 7 ay naroroon naman ang VK ni GINA GUTTIEREZ atBUBOY GO.

Naririyan din ang balwarte ni RENE UY na nagkalat sa Benita, Pag-asa, Kamalig, Hermosa, Sunog Apog, at Velasquez na sakop ng Station 1 at sa Raxabago, Batangas, Molave, Dagupan, Pilar, Almeda, Tayuman at Pampanga streets, sakop ng Station 7.

Meron din ‘butas’ ang LESPU na si VHER NAVARRO na may codename na RL.

Let us wait and see kung hanggang saan aabot ang maliligayang araw ng mga self-proclaimed bagman diyan sa NCRPO ngayong naglatag na ng dragnet para sa ikadarakip ng mga kupal ang mismong hepe ng NCRPO na si General Carmelo Valmoria.

Kung paniniwalaan kasi ang kuwento ng mga kumag na pulis cum kolektor, sobrang dami na talaga ng pera ng kaibigan nating si Gen.Valmoria.

Ang masakit, hindi nga totoo ang kuwento at talaga namang walang ‘wenta’ at malayo sa katotohanan.

Sobrang lalakas lamang talaga ng loob at ang kakapal ng apog ng ilan sa mga pulis ngayon natin na hindi nagngingiming gamitin ang pangalan ng kanilang mga opisyal.

Marapat lamang ipahuli nga ni Gen. Valmoria ang mga lumalabutaw sa kanyang magandang pangalan.

Hindi papabayaan ng mabunying heneral na mayurakan nang dahil sa kakaunting barya ang iningatan niyang malinis na pangalan nang mahabang panahon.

Alam lahat ‘yan ni Romy “intelihensiya dyango” Tolentino. Pasok ‘yan sa network nina BATMAN & ROBIN TANDEM NATIONAL MEDIA ( 7, 14, 21, 30 ) PAYOLA!

ILLEGAL TERMINALS SA PASAY PINATULAN NA NG MGA BIGTIME NA KAWATAN

Ang inaakalang small-time na kita mula sa pagmamantine ng mga illegal terminal ay tila malaking industriya na ngayon na pinag-aawayan ng mga buwayang gutom na gutom sa siyudad ng Pasay.

Pakuya-kuyakoy na lamang ang reyna ng illegal terminals sa Pasay na si FLORY ARAGON makaraang tanggapin ang kanyang ipinadalang ten thousand pesos daily payola ng isang alyas ONE BALL at BADJAO na umano’y isang malapit na kaanak ng malaking tao sa Pasay City Hall.

Kay FLORY ARAGON ang terminal sa EDSA-Roxas Blvd., harap ng Heritage Hotel at yaong nasa Mall of Asia (MOA). P10K x 31 days equals three hundred ten thousand(310,000) a month din ang pumapasok na pera.

Makinig sa DWAD 1098 khz am band” TARGET ON AIR “ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *