UNCONFIRMED issue but very disturbing, hinahalukay at binubusisi nang husto raw ngayon ang mga 201 files ng mga empleyado sa Bureau of Customs dahil may report na mayroon nagsumite at gumamit ng mga FAKE CIVIL SERVICE ELIGIBILITY.
Ang balita nga po, napakarami raw nilang natuklasan and need to be verify first na Customs employee na maaaring gumamit umano ng mga pekeng dokumento para sa kanilang hiring and promotion.
A requirement in entering for work in any government agencies.
Hindi naman lihim, mga suki na may ilang kaso nang ganito sa Customs sa nakaraang panahon. Even a top BoC official was questioned for ha-ving fake credentials and falsification of documents. Gamit ang kanilang mga political padrinos in the past administration para makalusot.
Kung totoo nga po ito, malaking problema sa mga gumamit ng pekeng Civil Service Eligibility kahit na matagal na sila sa serbisyo. Maaaring malagay rin sa wala ang mga pinaghirapan na taon na ang serbisyo sa customs.
Ano kaya ang magandang paraan para malusutan nila ang problemang ito? The Commissioner of Customs will ask for their resignation and file a complaint against them.
Whatever the decision may be, kayo ang magdurusa sa kamalian na ginawa ninyo for faking your credentials.Ask for a compromise agreement to resign or apply for early retirement from the service will be your only option.
‘Yan ay kung pagbibigyan ni Customs Commissioner ang pakiusap n’yo!
Ricky “Tisoy” Carvajal