Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul, iginiit na ‘di siya bakla at lalaking-lalaki raw siya!

080414 paul salas
ni ROLDAN CASTRO

SEMI-regular si Paul Salas sa youth-oriented show na Luv U na napapanood sa ABS-CBN 2 after ASAP.

“Tine-test lang po ‘yung  love triangle namin nina nina Nash (Aguas) at Alexa (Ilacad). Kontrabida po ako roon, eh,” sey niya nang makatsikahan namin siya  sa opening ng kanilang business na Travel Bean Coffee sa Panay Ave. cor  Timog.

May mga basher na rin ba siya dahil ginugulo niya ang love team nina Nash at Alexa?

“Okey lang po na nagagalit sila sa akin. Ibig sabihin po niyon, effective ‘yung character ko.

“‘Yung iba naman sinasabi nila, ‘Ano ba? Hindi si Paul ‘yan. ‘Yung character niya lang ‘yan’. Natutuwa naman po ako na marami rin ang nagtatanggol sa akin,” tugon niya.

Samantala aware si Paul sa  scandal na  umano’y bading siya at kumalat  sa internet ang isang picture na hinahalikan niya ang kapwa lalaki.

Paglilinaw ni Paul,  hindi raw siya ‘yung nasa larawan.

“Sa side view kamukhang-kamukha ko ‘ yung nasa picture parang ako po talaga ‘yun pero hindi talaga ako ‘yun. Nakita ko ‘yung Facebook account niyong lalaki sa picture at kamukhang-kamukha ko po talaga siya.”

Nalaman daw ni Paul ang tungkol sa picture na ‘yun nang may nag-tag sa kanya sa Twitter Account niya.

“Siyempre ang ganda ng gising ko ng isang umaga tapos nagulat ako nang buksan ko ‘yung Twitter Account ko na naka-tag ‘yung picture. Siyempre nalungkot po ako. Tapos may fan sign pa ako na  nakasulat na ‘Im proud!’ Kaya ayaw ko na po ‘yung may nagpapa-fan sign sa akin kasi po iniiba naman nila ‘yung nakasulat.”

Pero sure ba siya sa sarili niya na lalaki talaga siya?

“Opo lalaking-lalaki ako,” natatawang  pahayag  ni Paul.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …