Monday , December 23 2024

Mayor Lim kay Cory: Tunay na pagpupugay

00 Kalampag PercyHINDI matatawaran ang naging ambag ni dating Pangulong Cory Aquino sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa noong 1986 kaya marapat lang na bigyan siya ng kaukulang pagkilala sa ikalimang anibersaryo ng kanyang pagpanaw nitong Agosto 1.

Nguni’t taliwas sa naging gawi ng ibang taga-suporta ni Pres. Cory na sabay-sabay na nagpunta sa kanyang puntod, mas minabuti ni Manila Mayor Alfredo Lim ang taimtim at tahimik na pagpupugay sa “democracy icon” noong Hulyo 31 pa lang.

Suot ang paborito niyang dilaw na T-shirt, mag-isang nag-alay ng dasal at mga bulaklak si Mayor Lim sa puntod ni Pres. Cory sa Manila Memorial Park, gayundin sa bantayog nito na kanyang ipinatayo sa Roxas Blvd. sa Maynila.

Patunay ito na hindi natapos sa pagpanaw ng “democracy icon” ang respeto at katapatan sa kanya ni Mayor Lim, hindi tulad ng iba na ginamit lang na instrumento si Pres. Cory para makapasok at magpayaman sa politika, at hanggang ngayon ay hindi na bumitaw sa kapangyarihan at pagpapasasa sa kaban ng bayan.

KATAPUSAN NG TULISAN

HINDI uubra ang ano mang “script” na ikakasa ni Sen. Lito Lapid para pasinungalingan ang kinasasangkutan niyang kaso kaugnay sa maanomalyang P5-M fertilizer fund noong siya ang gobernador ng Pampanga noong 2004.

Ang kasong ito’y bahagi ng kontrobersiyal na P728-M fund scam na ginamit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang 2004 presidential bid.

Ito ang ikalawang graft case laban kay Lapid na umakyat sa Sandiganbayan at ikawalong kaso ng katiwalian na inihain sa Ombudsman mula nang maging gobernador siya ng Pampanga noong 1995.

Hindi pala action movies ang dapat naging linya ng senador sa pelikula, magaling pala siya sa fiction o kathang-isip kaya nakakaisip rin siya ng mga proyektong wala naman siyang totoong pinaglalaanan.

Natuklasan ng Task Force Abono ng Ombudsman na sa halip na P120-P150 kada litro ng liquid fertilizer ang ipamudmod sa mga magsasaka sa kanyang lalawigan, ang pinabili ni Lapid, ang may presyong P1,250 kada litro.

Ang masaklap pa, wala naman nakarating ni isang patak na fertilizer sa mga magbubukid sa Pampanga.

Si Sen. Lapid na minsang gumanap na bida sa pelikulang may pamagat na “Tulisan” ay isinangkot din ng whistleblower na si Benhur Luy sa P10-B pork barrel scam bunsod naman sa pagbili ng P5-M anti-dengue inoculants para sa Polillo, Quezon kahit wala naman naitalang kaso ng dengue sa lugar.

Marami ang nag-aabang sa kahihinatnan ng mga pagsisiyasat sa senador lalo na’t ilang taon nang nakatengga sa Ombudsman ang hirit na busisiin ang kanyang yaman mula nang mahuli ang kanyang esposa sa Amerika sa tangkang pagpuslit ng $50,000 noong Enero 2012.

Kaya bang ipaliwanag ni “Leon Guerrero” kung saan niya kinuha ang ipinambili sa mga bahay niya sa US sa Buffalo Drive at sa Bugler Swan Way, Las Vegas; sa P40-M duplex sa Baguio City; sa P40-M mansion sa Porac, Pampanga; sa P16-M mansion sa Angeles City; sa lupain sa Quezon City; sa mga condominium units sa Green Valley at Foggy Hill sa Baguio City at sa Bataan?

Tulad ng maraming politiko, mistulang adik na rin si Lito Lapid sa pagkakamal ng salaping hindi pinaghirapan kaya’t kamakailan, sa Angeles City naman siya nagparehistrong botante upang paghandaan ang planong pagtakbo bilang alkalde sa 2016 kasunod ng pagtatapos ng kanyang termino sa Senado.

BIDA ANG “KATAPAT”

SA OVERSEAS PINOYS

IKINAKAMPANYANG pakinggan sa live streaming ng masusugid na tagapakinig natin sa kanilang mga kaibigan at kakilala sa iba’t ibang bansa ang ating programang ‘KATAPAT’ sa Radio DWBL (1242 kHz.), mula alas-11 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi, Lunes hanggang Biyernes.

Isa na ang kareretirong US Navy na si G. LOU NOCEDA, sa kanyang mensahe sa Facebook:

“Sa mga kaibigan namin dito sa US at iba pang panig ng mundo…search n’yo sa Facebook ang KATAPAT tapos i-click n’yo sa kaliwa ang LIVE STREAM ng kanilang programa. Doon maririnig at makikita n’yo kung paano busisiin ang mga pinaka-sariwang balita na walang pinapanigan. Dito walang takot na ipaalam sa inyo ang tunay na nangyayari sa ating BANSA! Hindi masyadong kilala ang radio station nila dahil maliit lamang pero kwidaw kayo na palagi ang maliit ang nakakapuwing at mas mahapdi kaysa black eye! Hindi ko masasabing lahat ng pagkain sa mundo ay natikman ko na, pero ito na lang, ikumapara mo ang KATAPAT sa maliit na karinderya na ibinubuhos lahat ang kaalaman ng nagluluto sa konting puhunan para balik-balikan, ‘di ba ang sarap?! Ikumpara n’yo sa all-you-can-eat sa malalaking hotel na napakarami nga na makakain mo, aba hindi mo na maiintindihan ang lasa ng pagkain dahil sa dami at libo-libong halaga ng presyo, all in all, kaning-baboy ang dating sa tiyan mo dahil halo-halo na!”

Sa ngalan nina Ka Jerry Yap, Rose Novenario, Peter Talastas, Atong Ma, Jograd dela Torre at ng inyong lingkod, maraming salamat po sa pagtitiwala!

Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *