Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P700-M para sa mga rali vs PNoy

MAY nakarating na impormasyon sa inyong lingkod na isang dating Presidente ang gumagatong ngayon sa mga militante para magrali nang magrali laban kay Pangulong Noynoy Aquino.

Nag-withdraw pa raw ng P700 million sa isang banko kamakalawa si Mr. ex-President para pansuhol sa grupo ng mga nakausap na militante.

Isa rin umano si Mr. ex-President sa likod ng pagpupulong ng ilang retired generals kabilang ang isang dating nanungkulan kay PNoy sa Max Restaurant sa Maria Orosa, Malate, Maynila noong Sabado.

Ito siguro ang pinaputok ni Senador Antonio Trillanes na planong kudeta ng retired generals against PNoy.

Kapag nangyari nga ang sunod-sunod na rali ng mga militante laban kay PNoy, maniniwala tayong may katotohanan ang P700 million suhol mula kay Mr. ex-President.

O, Malakanyang, paganahin n’yo na ang daang milyones na intelligence fund ni PNoy at baka hindi na kayo abutin ng 2016 d’yan sa Palasyo. Kayo rin…

Atat na atat pa naman ngayon ang grupo ni Mr. ex-President na mapatalsik si PNoy para sila naman ang manggahasa sa kaban ng bayan at maisalba ang posibleng ikawasak ng kanilang kapangyarihan sa politika.

Kahit umuulan dinalaw ni Mayor Lim ang libingan at monument ni ex-Pres. Cory Aquino

Loyalist talaga ni late ex-President Cory Aquino, mommy ni PNoy, si Manila ex-Mayor Alfredo Lim.

Kahapon ng umaga, habang malakas ang buhos ng ulan at ihip ng hangin dala ng bagyong “Inday” ay nag-alay ng bulaklak si Mayor Lim sa puntod ni Cory sa Manila Memorial Park sa Parañaque City. Pagkatapos nito, bandang 2:30 ng hapon, nagtungo siya sa monumento ng mommy ni PNoy sa Luneta, malapit sa Manila Hotel, sinalubong siya ng ilang commuters, nagpiktyur-piktyur, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Ganyan ka-loyal si Lim kay Cory.

Kaya kung may dapat purihin si PNoy sa mga taong tapat sa kanyang ina, iyon ay si Alfredo Lim.

Panghuhulidap ng mga pulis ng MPD-PS6

– Mr. Venancio, gusto lang namin maaksiyunan ang matagal nang panghu-hulidap ng ilang pulis ng Station 6 (MPD) sa pangunguna ni “RR”. Pag nakahuli sila ng mga nagbebenta ng droga at marami silang nakuha na mga shabu at pera, tuwang tuwa sila at absuelto agad ang mga nahuli nila, laya agad. Pero pag walang droga, pera, celfone, mga alahas na nakuha sa hinuli nila, tinutuluyan agad, kulong agad. Dala agad sa DSWD kung bata. Ganun na po ba kagarapal ang mga pulis ngayon? Sana matanggal sa pagkapulis ang mga ganitong pulis. – 09064803…

Youth leader sa Pasay na pahirap sa kabataan at barangay officials

– Mr. Venancio, may isang youth leader dito sa Pasay City govt. na wala nang ginawa kundi pahirap sa mga kabataan at barangay officials ng Lungsod ng Pasay. Magpapa-seminar sa mga kabataan sa mamahaling hotel tapos ang pagbabayarin ay pondo ng barangay sa halagang P10K bawat isang participant. Bakit ba hindi matigil-tigil itong seminar sa exclusive na hotel at malalayong lugar? Pwede naman dito sa city hall building, wala pang bayad. Maawa naman kayo sa barangay na kulang na nga ang pondo e pinagkikitaan pa ninyo? Youth leader ka pa naman kurap ka na! – 09156525…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …