Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, aminadong pinagsisisihan ang ‘pagkawala’ sa showbiz

00 SHOWBIZ ms mMARAMI ang nagulat sa biglang pagkawala ni JM De Guzman. Kasagsagan kasi iyon ng kanyang career. Kaya naman aminado si JM na pinagsisisihan niya ang ‘pagkawalang’ iyon sa showbiz.

Paano’y napakaraming opportunities talaga ang pinakawalan niya. “May mga panghihinayang na kung given the opportunities na binigay sa akin, kung pinagbutihan ko lang talaga and inalagaan ko ng sobra-sobra may possibility po,” ani JM sa isang interbyu sa kanya ng abscbnnews.com.

Ang mga kasabayan niya’y magaganda na ang career ngayon at tunay namang umalagwa. “Hindi ko sinasabing sure na mararating ko rin ang narrating nila, pero may possibility na makapunta ako roon. May panghihinayang pero hindi ko pa rin naman sinusukuan na subukan parin.”

Sinabi pa ni JM na na marami siyang natutuhan sa dalawang taong pagkawala niya sa showbiz. Pero iginiit niyang hindi totoong ang dati niyang girlfriend na si Jessy Mendiola ang dahilan kung bakit siya sobrang na-depressed sa buhay.

073114 JM de Guzman
“Hindi si Jessy. Naging malaking inspirasyon pa nga siya. Noong naging kami naging inspirasyon siya sa akin. Hindi para bumagsak or para mapunta sa kung saan ako napunta kasi wala naman siyang ginawang masama, wala siyang ipinakitang masama. Actually na-inspire niya nga ako noon until now,” paliwanag ng aktor.

Samantala, muling nagbabalik si JM sa showbiz at tiniyak niyang for good na ito ngayon.

“Sisiguraduhin ko na po na hindi na ako magloloko. Kung maglaho man ako, hindi ko na ‘yun intention. ‘Yun na lang talaga ako, hanggang doon na lang talaga siguro ang career ko. Pero in terms kung pag-uusapan ‘yung sadyain na aalis, hindi ko na gagawin ‘yun. Sisiguraduhin ko na ‘yun,” giit niya.

Kasalukuyang gnagawa ni JM ang legal drama series na Ipaglaban Mo ng ABS-CBN2 at mapapanood din natin siya sa isa sa mga tampok na istorya ng Maalaala Mo Kaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …