Saturday , December 21 2024

A city reborn? Pweee!!!

[Jesus said] “You are the light of the world. Let your light shine before men, that they may see your good deeds and praise your Father in heaven.” —Matthew5:14-16

ISANG propaganda video clip ang ginawa ng Manila City Government upang ipakita ang umano’y malaking pagbabago ngayon sa Lungsod, kum-para sa nakaraang administrasyon. A City Reborn daw!

Ibinangon daw ng kasalukuyang namamahala ang Maynila mula sa pagkakalugmok sa kahirapan ng nakalipas na administrasyon. Inilarawan nila ang Maynila noon bilang: A city of neglect, decay, congestion, bankrupt, misgovernance, corruption!

Hanep, parang totoo!

***

LIMANG punto ang pinagbasehan umano ng kanilang bisyon na natupad sa Maynila: Basic social service

Community empowerment, Economic development, Transparent management and use of funds, Responsible allocation of public services

Dios Mio, sa basic services pa lang ay palpak na dahil sa polisiyang mula sa libreng medication sa anim na District Hospital noon ni Mayor Alfredo Lim, ngayon ay may bayad na!

Teka, malaking pagbabago nga!

UMANGAT ANG TAX COLLECTION DAHIL SA TAX INCREASE!

IBINIDA rin sa naturang propaganda video clip ang pag-angat umano ng tax collection mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 2013 ay umabot umano sa P2B.

Samantalang sa Real Property tax collection ay umakyat daw sa 48% P1.5B mula January to May 2014.

Paanong lalaki eh, nagtaas sila ng amilyar! Buwiseet!

***

ANG pinagyayabang na nabawasan daw ang utang ng Maynila sa Meralco mula sa P613M umano ngayon ay P122M na lamang o bumaba ng 76%.

Samantalang sa Maynilad naman umano na may utang na P57M pero ngayon ay nabayaran na umano nila at P27M na lamang ang natitira o bu-maba sa 53%.

Susme, ang maniwala dito, baliw!

***

DAHIL sa mga nakaarang kolum natin ay nailahad na natin na matagal ng nabayaran ng city hall ang pagkakautang sa Meralco at Maynilad. Aabot na lamang sa P200M ang utang sa Meralco nang umalis si Mayor Lim sa city hall noong June 30, 2013.

At sa katunayan ang Meralco pa ang may utang sa city hall dahil sa kanilang real property tax na aabot sa P131M, plus ang P20M refund.

P1.5B INTACT FUND NASAAN?

MULI, walang katotohanan na bangkarote ang Maynila, ang katunayan, mayroong P1,557, 257, 704.19 o higit P1.5 bilyong piso ang iniwang salapi ni Mayor Lim noong June 2013.

Base sa consolidated cash position report na inihanda ni Felicitas Natinga, officer in charge ng cash division ng City Treasurer’s Office.

***

NARITO pa ang mas detalyadong datos——Nag-iwan si Mayor Lim ng P11, 162, 298.04 cash-in- treasury; P768,318,222.49 cash-other-banks (current account) at P777, 769, 183.66 na cash-other-banks.

Ayon na rin sa ating kaibigan na si Ric de Guzman, dating chief of staff at media bureau chief ni Mayor Lim, hindi maaring ma-bankrupt ang Lungsod dahil “intact” sa kaban ng Lungsod ang mga nabangit na salapi nang lisanin ng Alkalde ang city hall.

Ngayon, nasaan ang pera?!

MANILA: A DEAD CITY

PERO ang lahat ng ito ay taliwas sa kabi-kabilaang natatangap nating reklamo gaya ng pagkalat ng mga basura sa lansangan ng buong Lungsod. Nangangamoy ang gabundok na basura na hindi nahahakot.

Halatang hindi gamay ng mga kontratista ng basura ang mga lugar na dapat nilang linisin at hakutan ng basura.

Paano ba naman daw taga San Juan kasi ang kontraktor! Ehek

***

GANOON rin ang pagdagsa ng mga solvent boys sa lansangan, hindi ito masupil ng Manila Social Welfare and Development (MSWD).

Reklamo ng mga readers natin, kahit saan ay makikita mong gumagala ang mga solvent boys na karamihan ay mga kabataan. Kapag lango na sa droga ay gumagawa na ng krimen sa daan.

Anong silbi ng MSWD!

***

UMAANGAL na rin ang mga empleado ng city hall. Ipinaabot nila ang kanilang reklamo sa dating Pangulong Erap, hindi naibibigay sa kanila ang kanilang mga allowances. RATA at iba pang insentibo.

Mabuti pa daw ang hanay ng kapulisan mas binigyang prayoridad at naunang binigyan ng insentibo, samantalang silang mga kawani ng city hall ay wala.

Nganga pa rin!

***

PATULOY pa rin nagrereklamo ang mga vendors sa Divisoria, kotong dito, kotong doon ang inaabot nila mula sa kapulisan hanggang sa mga opisyales ng Manila City hall.

Pero sabi nila okey lang daw hingan sila ng lagay, ang kaso may tongpats na nga, hinuhuli pa rin sila ng mga pulis.

Naku, baka humihinge ng dagdag pa!

***

SUMBONG din sa atin ng mga motorista na pawang biktima ng mga buwayang private towing services sa Maynila.

Walang patawad ang mga towing services lalo na angRWM towing. Hatak dito, patubos doon, pero ang mas pumapasok na kita ay sa bulsa ng mga towing operators. Magkano ang kay MTPB chief Don Carter Logica?!

Ngayon, ito ba ang matatawag nating “A City Reborn?” o mas tamang sabihin ang “A Dead City!”

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *