Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakinggan natin 5th SONA ni PNoy

LUNES, Hulyo 28. Mag-uulat ngayon si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang nga boss. Ika-5 State of the Nation Address (SONA) niya na ito. Pakinggan natin…

Oo, asahan nating ibibida ni PNoy ang nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ano-ano kaya yun? Naramdaman nyo ba, bayan?

Siempre, tatalakayin din ni PNoy ang kanyang kasalukuyang ginagawa at sa huling dalawang taon ng kanyang termino bilang pinakamataas na lider ng ating mahal na Pilipinas.

Ang ayaw lang natin marinig sa SONA na ito ni PNoy ay ang muling pagbatikos sa nakaraang mga administrasyon lalo na kay ex-President Gloria Macapagal-Arroyo. Dahil apat na taon na siya sa puwesto at nakakaumay na na kada talumpati niya’y ang mga nakaraang administrasyon parin ang kanyang inuupakan. Gayung ang kanyang pamumuno ngayon ay sobra nang kaupak-upak!

Kaya bayan, mga ka-tsukaran, tutukan at pakinggang mabuti ang ulat sa bayan ni PNoy bandang alas-4 ng hapon.

Maging mapagmasid!

Shabu, shabu sa Brgy. 110 Utap, Tacloban City

– Mr. Venancio, report ko po dito sa amin sa Brgy. 110 Utap, Tacloban City. Grabe po ang bentahan ng shabu, kahit katabing bahay na pulis walang aksyon. Ang kilalang tulak po dito ay “Regan” ang pangalan. Nakakatakot, kasi hindi kilalang mga tao ang pumapasok sa aming lugar. TCPO paki-aksiyunan naman po. – Concerned citizen

Itong mga tulak sa Tacloban, hindi pa naubos ang mga demonyong ito nung typhoon Yolanda? Sana sila nalang lahat ang nilunod ni Yolanda.

Jeepney sa Greenhills

nagtaas ng pasahe

pero walang taripa

– Joey, report ko lang ang mga buwaya na driver ng jeepney sa Greenhills Shopping Center. Nagtaas ng singil na P8.50 hindi naman kumuha ng taripa. Unimart via Anapolis Edsa ang ruta – Concerned citizen

Ang order ng LTFRB, bawal magsingil ng P8.50 na pasahe ang mga driver na walang taripa. Kapag nahuli ay magmumulta ang driver at masususpinde pa ang kanyang lisensya, damay pati operator. Kaya mga mamang driver ng biyaheng Unimart-Anapolis-Edsa, kumuha na kayo ng taripa para hindi kayo magkaproblema sa inyong hanapbuhay.

Ex-O nagnanakaw

ng koryente

sa street light

– Dito po sa aming Barangay 253 Zone 23 sa Tondo, may isang Ex-O/tanod na nagnanakaw ng kur-yente sa street light, mismong yung tserman pa ang nagpalagay. Tama po ba yun? Di ba pera naming taxpayers dito ang pinambabayad sa kuryente ng barangay? Chairman, huwag ka namang pauto sa mga tanod mo. – Concerned citizen

Mga tulak sa Brgy. 432,

Sampaloc, Manila

– Report po namin dito sa aming Brgy. 432, Sampaloc, Manila, sa maisan ay may mga tulak ng shabu. Sila sina Joseph Bulag, Jef pati tiyuhin nila at isang Obet na nagpakalbo. May baril din po sila. Nagtatago sila dito sa tabi ng iskul Moises sa lumang bahay. Wag nyo po ilabas ang numero ko. Sana tulungan nyo kaming mawala ang mga tulak dito. – Concerned resident ng Brgy 432

Paging MPD-PS4, pakimanmanan po ang info na ito. Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …