Friday , December 27 2024

Impeachable ang kaso ni PNoy sa DAP, pero…

SABI ng mga eksperto sa ating Saligang Batas, walang duda na impeachable ang kaso ni Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP), na dineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema, 13-0.

Pero malabo pa sa pag-iisip ni Erap na ma-impeach si PNoy. Dahil numbers game ang labanan sa kongreso. Majority ng miyembro ng kongreso ay kaalyado ni PNoy, bukod pa sa sumahod din ang mga bulsa nila ng pondo mula sa DAP.

Kahapon nga lamang sa imbestigasyon ng mga senador kay Budget Secretary Butch “Noo” Abad, ang umano’y utak ng DAP, ay tila moro-moro lang ang nangyaring pagtatanong ng mga senador. Tila sila pa ang nagsilbing abogado ng pro-DAP.

Paano nga kasi, 20 sa kanilang mga 24 senador ay nabiyayaan din umano ng DAP. Ito’y sina Senate President Franklin Drilon (P100-M), Francis Escudero (P99-M), Juan Ponce Enrile (P92-M), Antonio Trillanes (P50-M), Bong Revilla Jr. (P50-M), Loren legarda (P50-M), Lito Lapid  (P50-M), Jinggoy Estrada (P50-M), Alan Cayetano (P50-M), Edgardo Angara (P50-M), Ralph Recto (P50-M), Vicente Sotto (P50-M), Serge Osmena P50-M), Gringo Honasan (P50-M), Pia Cayetano (P50-M), Joker Arroyo (P47-M, Koko Pimentel (P45.5-M), TG Guingona (P44-M), Francis Pangilinan (P30-M). Natanggap daw nila ito before and after mapatalsik nila si Renato Corona as Chief Justice. Sabi ng mga ktitiko ng administrasyon, suhol daw yun!

Ngayon, sa palagay nyo ba, mga pare’t mare, boboto ang mga senador na ito para ma-impeach si PNoy? No way!

Ang makapagpababa lang kay PNoy sa Malakanyang ay ang taong bayan. Pero pagod na tayo sa People Power.

Kung sakali namang mapatalsik si PNoy, sino ang kapalit? Op kors ang kasalakuyang Bise Presidente na si Jojo Binay.

Pag si Binay ang nakaupo, maaring gawing bise niya ang kanyang anak sa 2016. At pag nagkataon, ang magiging senate presidente ay anak nya parin, ang house speaker ay anak nya rin at ang Chief Justice ay baka anak nya rin. Pag nangyari ito, no more checks and balance sa gobyerno. Babalik ang diktadorya tulad nung panahon ni Marcos.

Take note: Sa ngayon, si VP Binay ay may anak na senador, kongresista at mayor. Ang misis niya na dating Makati Mayor ay maaring tumakbo rin sa 2016. Buking!

Reklamo sa SSS Bacolod

at kompanyang MCS

– Humihingi po kami ng tulong para maparating sa kinauukulan at kami ay matulungan. Kasi mahigit na 2 taon ang aming reklamo dito sa SSS Bacolod hinggil SSS namin mga driver laban sa aming kompanya MCS at sa may-ari nito na si Sherwin Soberano. Mahigit na kami 7 taon sa kompanya, walang contribution. Hindi namin masabi kung ang SSS ba natakot o nasuhulan? Kasi may tiyahin itong may-ari na labas-pasok at maraming kaibigan na mga organic employee sa SSS. Sana matulungan nyo kami. Salamat po. God bless.  – Mr. Boots Dojillo, 09294862085

O, SSS-Bacolod, kung concern kayo sa members nyo, aba’y himayin nyo ang naging contribution ng mga driver  ng naturang kompanya? I-check nyo ang kanilang employment records tulad ng lenght of service at payslip kung magkano ang ni-remit para sa kanila ng kanilang kompanya. Do it, SSS-Bacolod!

Riot ng bagets sa Talanay,

Batasan Hills, Quezon City

– Sir Joey, report lang po namin ang problema namin dito sa Sitio Talanay, Batasan Hills, Quezon City. Gabi-gabi nalang ay may riot dito at ang mga sangkot ay mga kabataan ng Area A at Area B. Ang mga ito ay hindi na hinuhuli o sinisita pag nakakalat sa kalye sa gabi. Nakakaperhuwisyo din po dahil maiingay sila sa kalye, gumagamit ng iligal na gamot sa iskinita na madilim o sa bahay na pinagtutumpukan nila ang mga kabataang lalaki at babae. Ang katwiran po ng mga nag-iikot sa gabi ay nagsasawa na sila manghuli dahil mga pinababayaan na raw ng magulang, yung iba kinukunsinte pa sa mga gawa. Huwag nyo nalang ilabas ang  numero ko. – Concerned citizen

Trabaho ito ng barangay e. Kung nagsasawa na sila sa pagsaway sa mga kabataang pasaway, aba’y mag-resign nalang sila sa mga trabaho nila! Hindi ba’t kaya sila umupong barangay officials ay para magserbisyo sa komunidad? Kung tinatamad na silang magserbisyo, resign!

****

GREETINGS: Binabati natin ang pamunuan ng INC sa napakalaking stadium nilang ipinatayo. Tiyak magiging sentro ito ng malalaking events sa bansa. Mabuhay!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *