Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong Navarro, mukhang makaliligtas sa mga kasong isinampa laban sa kanya

ni Ed de Leon

NAGPASALAMAT na si Vhong Navarro sa kanyang fans na sinasabi niyang patuloy na nagdarasal para sa kanya, matapos na ibasura ng piskalya ng Taguig ang ikalawang rape case na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ang simpleng argument lang naman ng piskal na nagbasura roon, bakit daw pinayagan pa ni Deniece na magbalik sa kanyang condo si Vhong noong Enero 22 kung hinalay na nga siyang una noong Enero 17. Doon naman sa naunang kaso, napansin niya ang pakikipagngitian pa raw ni Cedric Lee sa loob ng elevator na mukhang taliwas sa dapat na reaksiyon kung may tutulungan nga silang hinahalay.

Kanya-kanyang opinion iyan eh. Iyang kasong rape, usually wala namang testigo riyan eh maliban sa biktima mismo. Kaya ang batayan ng prosecution sa mga ganyang kaso, at ang batayan din ng korte sa kanilang magiging desisyon kung sakali ay kung gaano ka-credible ang statement ng biktima mismo ng panghahalay. Hindi naman sa pinangungunahan namin ang korte, pero sa palagay namin ang may matibay lang na complaint laban kay Vhong ay iyang si Deniece. Kung ang dalawang kasong isinampa ni Deniece ay na-dismiss na nga, palagay namin talagang magiging confident na nga si Vhong.

Doon sa kasong isinampa ni Roxanne Cabanero, masasabi ngang kakatuwa na naalala niya ang mga detalye ng ginawa sa kanya, pati kung paano ibinaba ang kanyang underwear, pero hindi niya matandaan kung anong petsa nga ba eksaktong nangyari iyon. Sinasabi lang na may palagay na nangyari iyon sa isang period of time, pero walang eksaktong petsa. Hindi na natin mahahanap na kabisado niya ang lugar na pinangyarihan noon, dahil inaamin naman niyang probinsiyana siya at noon lang nakapunta sa Manila. Pero noon pa ay lumabas na rin ang statement niyong si Rose Ann Uy Aguilar na nakita nga niyang pumasok sa hotel si Roxanne pero hindi niya alam kung saan galing iyon, at hindi niya nakita kung may naghatid nga ba roon o kung saang sasakyan bumaba. Basta nakita raw niyang pumasok sa lobby, binati niya iyon pero ni hindi sila nag-usap dahil hindi naman sila talagang magkaibigan.

Iyong isa naman, na naghintay pang lumipas ang maraming taon bago nagsampa ng demanda, liban siguro kung makapaghaharap iyan ng talagang matibay na ebidensiya, wala rin. Mukha ngang makaliligtas na si Vhong sa hoyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …