I have chosen the way of truth; I have set my heart on your laws. —Psalm 119:30
MALUGOD natin binabati ang mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo (INC) sa kanilang ika-100 anibersaryo sa darating na Hulyo 27.
Malapit sa ating puso ang mga taga-INC dahil gaya ng ating naisulat noon, ang aking Lola Maria Santos, isa sa mga nangalaga noon sa unang kapilya ng INC sa Cavite City. Malapit sa baybaying dagat ang kapilya na nakatayo sa isang kamalig, subalit dinarayo ito ng maraming miyembro.
Hanggang umusbong na ito sa buong lalawigan ng Cavite!
***
KAHAPON ay pormal na binuksan ang pinakamalakingdome arena sa buong mundo na pag-aari ng INC, ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Mismong si Pnoy ang nagpasinaya sa makasaysayang arena na kayang punuin ng 55,000 katao. Aba, mas malaki pa sa Mall of Asia (MoA) sa Pasay City!
Dito gaganapin ang selebrasyon ng ika-100 taon pagkakatatag ng INC na sinimulan noon ni kapatid na sugo Fleix Y. Manalo noong 1914 sa Punta, Sta. Ana, Maynila.
Muli, mabuhay Ka Erdy Manalo, Mabuhay ang INC!
SOCA NI ERAP
ABA, may sariling State of the Nation Address o SONAang dating Pangulong Erap sa mga taga-Maynila na gaganapin bukas, Hulyo 23.
Imbitado ang lahat ng opisyales, empleado, barangay officials, negosyante at mga residente ng Lungsod para sa tinatawag niyang State of the City Address (SOCA).
Teka, hindi kaya maSOCA lang ang mga taga-Maynila? Ehek!
***
ILALAHAD daw ng dating Pangulo ang kanyang mga good accomplishment sa Maynila sa loob ng isang taon panunungkulan.
Ilalahad niya na wala nang libre sa anim na district hospital, na itinaas na rin niya ang amilyar, na patuloy na lumalala ang krimen sa Lungsod dahil sa kainutilan ng pulisya, na walang patawad ang mga traffic enforcers dahil sa kanyang one strike policy, na mananatili ang bus at truck ban kahit pa magtaas ng produkto sa merkado, at ang huli ay sasabihin na bangkarote raw ang Maynila!
Ooooppps, ‘wag n’yo akong SOCAhan mga buwiseet!
***
KUNG ako sa dating Pangulo Erap, imbes mag-SOCA ay pulsuhin na lamang niya ang mamamayan ng Maynila kung nasisiyahan ba sa kanilang mga pinagagawa sa loob ng isang taon sa Lungsod.
Alamin din niya kung sino-sino ang totoong kaagapay niya sa administrasyon at kung sino-sino naman ang pabigat lamang at pera ang inaatupag hindi serbisyo. In other words, sipain ang mga inutil sa city hall.
Dahil nasoSOCA na kami!
***
MARAMING nagpapaabot ng mensahe sa atin na linisin naman sana ang Maynila, mula sa literal na basura at kriminalidad. Dahil, nagkalat pa rin sa kahit saang sulok ng Lungsod ang mga basura na hindi nahahakot.
Hindi malayo na maikompara ito sa nakaraang administrasyon ni Mayor Alfredo Lim, paggising mo sa umaga, malinis na ang lansangan, ngayon nananghali ka, saka daraan ang truck ng basura sa bahay mo.
Susme, masoSOCA ka talaga!
SEÑORA LIZ VILLASENOR,
NASAAN ANG PRIZES
NG CONTESTANTS?
WALA pa rin say si Señora y Liz Villasenor, officer in charge ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB) sa panawagan ng mga nagwagi sa Buling-buling dance sa Pandacan at Lakbayan Festival sa Tondo na ibigay na ang kanilang premyo sa pa-contest na ginanap, susme noon pang Enero 2014 sa kapistahan ni Señor Santo Niño.
Pati mga pari sa Pandacan at Tondo ay nagagalit na rin, ano raw ba ang pa-contest ng tourism, lokohan?!
Ayaw ni Erap nang ganyan!
***
KABILANG nga sa nagrereklamo ang isang Melanie Cantoria na 3rd prize winner sa nasabing patimpalak na inorganisa umano ng MTCAB.
Ano ba ang nangyari at hindi naibigay ang premyo sa mga nagwagi Señora Liz? May nagbulsa ba ng premyo? O sadyang hinahanap pa kung saan at kanino kukunin? Teka baka nagkabukulan na?!
Aba, kung ganyan, abonohan mo muna Señora Liz!
Para sa anumang komento, mag-email [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos