Sunday , December 22 2024

Informal settlers pala ang nakinabang sa DAP?

WALANG nawaldas na P10 bilyong DAP ni PNoy!

Kung susuriin, ito ang nais na ipahayag ni Interior Sec. Mar Roxas sa pagsasabing ang bilyon-bilyong DAP funds ay ginamit ng pamahalaang Aquino sa tama at makabuluhang proyekto.

Gano’n ba? Aba in good faith nga naman pala kahit na sinasabi ng Korte Suprema na ilegal ang DAP.

Well, alangan naman sabihin ni Roxas na nagamit sa kung saan-saan ang DAP. Naturalmente na ipagtanggol niya ito lalo na, siya ang ilalaban ni PNoy sa 2016 presidential elections kundi …maghahanap si Pangulong Noynoy ng ibang ilalaban.

Ano pa man, iginagalang natin ang pangangatuwiran, palusot este, paglilinaw ni Roxas.

Ginawa ni Roxas ang pagtatanggol sa ilegal na DAP makaraang ulanin ng batikos ang kanilang pamahalaan simula nang ideklara ng Korte na ilegal ang DAP.

Iyan si Roxas, walang iwanan.

Sabi pa ni Roxas, napunta ang ilang malaking bahagi ng DAP sa mahihirap.

Sa informal settlers daw. Nagpatayo ang gobyerno ng bahay o pabahay para sa mga iskuwater na nasagasaan ng demolisyon. Kumbaga, ang DAP ay nagamit din daw para sa relokasyon ng informal settlers. Inilipat sa mas ligtas na tirahan.

Saan iyong mga lugar na pinaglipatan? Marami diyan mga kabayan, gamitin natin ang ating mga mata. Ha ha ha…pero ba’t nagkalat pa rin ang informal settlers Mr. Roxas. Kaliwa’t kanan pa rin sila saan man dako ng Metro Manila at karatig lalawigan.

Baka naman hindi pa kasi tapos ang mga bahay para sa nalalabi. Oo nga naman. Pero P10 bilyon para sa kanila. Mansyon na pabahay yata ito ha. Kasuwerete naman ng mga iskuwater.

Hayun naman pala, malinis naman pala ang hangarin ng PNoy government sa ilegal na DAP.

Pero ang isyu rito…in good faith man o hindi ang pakikialam sa savings, ayon sa Korte ay ilegal ito. Hindi naaayon sa konstitusyon na kamakailan lamang ay ipinakita ni PNoy na galit siya sa desisyon ng SC.

Biro niyo, maging ang kanyang mga iniupo sa SC ay hindi naging pabor sa DAP. Anong ibig sabihin nito?

Pero sa halip na magpakumbaba ang executive branch sa desisyon laban sa DAP, nagalit pa ang Pangulo. Mistulang tinakot niya ang justices natin sa pagsasabing mayroon siyang (PNoy) nalalaman hinggil sa kalokohan sa Korte partikular na sa JDF – hinggil sa maling paggamit sa pondo ng korte.

Iyan ba ang tamang sagot para sa ilegal na DAP?

Hindi naman tayo laban sa katuwiran ni PNoy laban sa tinirang DAP niya kundi, mayroon pala siyang nalalaman hinggil sa anomalya sa JDF, bakit hindi niya ipinaimbestigahan muna bago nabuko ang DAP.

Ang nangyari tuloy, kabaligtaran.

Umapela o aapela ang gobyerno laban sa naging desisyon sa DAP, ano kaya ang kalalabasan nito, babawiin kaya ng Korte ang kanilang desisyon matapos silang pagbantaan? I hope na maninindigan ang SC.

Marahil naman, maninindigan ang Korte kasi, kahapon ay ipinadama nila ang kanilang protesta laban sa pagtira sa kanila ng administrasyon ni PNoy. Nagprotesta sila sa pamamagitan ng paggamit ng kulay itim o pulang t-shirt.

Isang ibig sabihin nito bukod sa pagkondena sa pagtira sa kanila ni PNoy, ipinadarama nilang tama ang kanilang naging desisyon sa DAP.

Pero paano iyan, ayon naman kay Roxas ay nagamit naman sa maayos ang pondo.

O sige, pero ano ang isyu dito Mr. Roxas?

Ano pa man, sana, ang lahat ay magising sa katotohanan at huwag hatiin ang pagkakaisa ng bawat Filipino.

Hay, in good faith nga naman o.

Sa mga nakatira sa iskuwater erya, nagamit pala ang DAP para sa inyo? Ano’ng sey n’yo?

***

Para sa inyong reaksyon, reklamo at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *