Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chairman Naguiat nanganganib masibak

NANGANGANIB masibak si Pagcor Chairman Bong Naguiat dahil sa katiwalian.

Napag-alaman na napakarami na niyang ari-arian partikular sa San Fabian at Urdaneta, Pangasinan at milyong halaga ng bahay sa La Vista. Nanganganib din na matulad sa kinasapitan ng kanyang pinalitan na si dating chairman Efraim Genuino at matutulad ito at makakasuhan ng plunder dahil sa hindi maipaliwanag na kayamanan sa Pangasinan. Buhay-hari ang kanyang ginagampanan kasama ang buong pamilya. Bawal daw ang regalo pero tinatanggap niya para magkaroon lang ng franchise ang mga casino dealer.

Ngayon ginagawa niya pala, pinakamahal na kwarto ng mga hari doon siya namamalagi sa Macau. Noong kausap niya si Kasuo Okada ang tinaguriang Gambling Magnate para makapagpatayo ng bilyong casino sa ating bansa kaya dapat lang managot ayon kay Congressman Neri Colmenares at saka US$5,000 pang-shopping. Sa Villia 81 nag check-in. ‘Yung mga kwartong ‘yun US$6,000 a night for six (6) days. Doon nagte-check-in ‘yung mga hari at reyna sa buong mundo.

Ayon sa report ng FBI na si Louis J Freeh, sinundo pa ng Rolls Royce ang buong pamilya niya kaya dapat lang talaga malaman ng taong bayan ang kabulastogan niya at super corrupt ayon sa report ng FBI.

Kaya sabi ng mga taga-Pangasinan iba ang ikinikilos ni Naguiat na dati lang nakikitira sa kanyang biyenan na si MECO Chairman Amadeo Perez. May report na nagpapagawa siya ng mga building na mamahalin sa iba’t ibang panig ng bansa para raw sa paghahanda sa pagtatapos ng termino ni PNOY.

Daig pa nga raw si Glenda sa pananalasa at pangungurakot ayon sa mga sources natin at kinamumuhian siya sa San Fabian at Urdaneta Pangasinan sa sobrang garapal na napakaraming gasolinahan, hospital, ekta-ektaryang mangahan at marami pa iba.

Dapat lang talaga na masampolan si Naguiat dahil siya ang nakasisira sa daang matuwid ni PNOY at dapat lang maimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinagurian na walang kinikilingan, walang kinakatakutan.

Go … NBI!

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …