Monday , July 28 2025

Anomalya sa SONA?

Inaasahang ibibida ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes (Hulyo 28) ang umano’y maanomalyang P65-B Light Rail Transit Line 1 Extension Project o Cavite Extension Project o Cavitex na magdudugtong sa LRT mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite.

Ngayon palang ay nagkukumahog na ang Department of Transportation and Communications (DoTC) Bids and Awards Committee at Light Rail Transit Authority Board para maibigay ang kontrata sa Metro Pacific Investment Corporation at Ayala Corporation bago dumating ang SONA.

Naunsyami kasi ang LRTA Board meeting nitong Hulyo 16 dahil sa pananalasa ng bagyong Glenda sa Kalakhang Maynila.

Pero, bagama’t may bagyo noong nakaraang linggo ay ngingisi-ngisi ang mga opisyal ng DoTC sa pangunguna ni Sec. Jun Abaya at ang mga opisyal ng dalawang dambuhalang kompanya dahil natakpan ng isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ang bilyong pisong kontrata na magiging pabigat sa mga mananakay ng LRT hanggang sa susunod na 32 taon.

Huh! 32 taon! Bakit di na lang gawing panghambuhay para makinabang ang pamilya ng dalawang dambuhalang kompanya hanggang sa mga apo sa kuko sa tubong-lugaw na kontrata.

Pinangakuan kasi ng “Matuwid na Daan” administration ni PNot este PNoy ng siguradong kita ang MPIC at Ayala Corporation sa pamamagitan ng pagtataas ng pasahe simula sa Agosto.

Ibig sabihin, aalisin na ang subsidy ng gobyerno sa mga mananakay ng LRT o bahala na kayo sa mga buhay n’yo.

Kaya mga botante, alam n’yo na ang gagawin kay DILG Sec. Mar Roxas na i-endorso ni PNoy sa 2016 polls.

Isama n’yo na rin si VP Jojo Binay na patuloy na nagbibingi-bingihan sa isyu dahil potential donor sa kanyang kandidatura sa 2016 ang MPIC at Ayala Corporation.

Teka! Mali yata? Matagal na nga palang kakampi ng bilyonaryong si VP Binay ang pamilya Ayala ng Makati City. Boom buking!

Mabuti pa si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na hindi nagpapanggap na maka-administration tulad ni VP Binay ay magpapatawag ng imbestigasyon sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara.

Ang tagapagsinungaling naman ng Malakanyang na si Sec. Edwin Lacierda ay nagsabi nitong Hulyo 7 na pinagpapaliwanag nila ang DoTC sa alegasyon na ma-anomalya ang Cavitex.

Hulyo 14, sabi naman ng isa pang tagapagsinungaling na si Sec. Sonny Coloma hinihintay nila ang paliwanag ng DoTC.

Mga anak kayo ng tatay n’yo, ia-award na ang kontrata ay ‘yan pa rin ang sinasabi n’yo!!!

Di bale, tulad ng $30-M na umano’y extortion issue sa MRT-3 na nabanggit pa ang mga kamag-anak ni PNot este PNoy, tiyak na magiging multo sa Liberal Party sa 2016 polls ang Cavitex dahil may MAGDEDEMANDA laban sa gobyerno.

Eto pa. Bukod sa siguradong kita, bibigyan din ng gobyerno ng P5-b subsidy ang dalawang kompanya para gamitin sa pagsisimula ng pagpapatupad ng proyekto.

Napakasuwerte naman ng MPIC dahil kahit na ibang kandidato ang sinuportahan ng kanilang boss noong 2010 presidential elections ay nakakuha pa rin sila ng bilyong pisong kontrata sa ilalim ng nagpapanggap na

“Daang Matuwid” administration.

Sa susunod, ibubunyag natin ang mga benepisyo na tinatanggap ng mga politikong tatakbo sa halalan sa 2016 mula sa Metro Pacific Investment Corporation at Ayala Corporation.

Abangan!

Wala pa rin koryente

at tubig sa NBP,

mga preso namamaho na!

– Sir Joey, magandang tanghali po sa inyo. Idudulog ko lang po sana sa inyo ang sobrang bagal na aksyon ng Meralco dito sa Muntinlupa lalo na dito sa loob ng New Bilibid Prison. Halos namamaho na po ang mga preso dito dahil sa kawalan ng kuryente at tubig. Halos 5 araw nang walang ligo ang mga preso dito at wala ring ginagawang aksyon ang mga namumuno sa bureau. – Concerned inmate

Ayon sa Meralco, 90% nang naibalik ang serbisyo ng koryente. Malamang ngayon ay magkakoryente at tubig na rin kayo d’yan sa bilibid.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: venanciojoey@gmail.com

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Kylie Verzosa villa Italy

Kylie Verzosa bumili ng villa sa Italy

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang aktres at dating Miss International, Kylie Verzosa dahil nakabili ito ng mamahaling villa …

Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEXni Jun Nardo TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising. …

Maine Mendoza Miles Ocampo

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga …

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

MATABILni John Fontanilla GRAND champion sa katatapos na Dance Kids 2025 na ginanap sa Riverbank  Marikina ang 12 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *