Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bokya agad ang paglatag ng Jueteng ni Kevin Tang-a sa SPD

Hindi pa man nakakapag-umpisa ang jueteng network ng tsekwang si Kevin sa area of responsibility (AOR) ng PNP-Southern Police District, agad na sinopla na ito nina PNP-NCRPO Director Carmelo Valmoria at SPD chief, Gen. Jet Villacorte.

Hindi umubra ang yabang at puro porma ni Kevin na kasosyo ni Jueteng lord Bolok Santos sa Philippine National Police (PNP) partikular sa tanggapan ni General Valmoria na mahigpit na binilinan ang kanyang mga pulis na hulihin agad sakaling ituloy ng grupo ni Kevin ang planong paglalagay ng jueteng sa Southern Metro.

Bagama’t napigilan nga ang itatayong ilegal na sugal sa area ng SPD, patuloy naman ang jueteng at lotteng operations sa siyudad ng Taguig at Parañaque ng isang  ROMY PEÑA. Si Willy Kalagayan video karera ni Jun Laurel at Boy Intsik sa Taguig pa rin.

Tatlong beses umano sa isang araw ang bola ng jueteng nitong si Peña na sinasabing direktang nakatimbre sa mga pulisng CIDG, IG, SPD, GAB at NBI.

Kay alyas JOY at RR  lotteng at jueteng naman sa Parañaque,  si  Onie naman  sa Las Piñas. Sa Muntinlupa namamayagpag ang sakla operations ni alyas Kaok at Lolet, at VK ni Jake Duleng.

Sa Quezon City , namamayagpag ang lotteng ni Lito Motor, Ver Bicol at Don Ramon. Sa Pasig City, Cris at Rose, Laarni ang reyna at hari ng Video karera at Lotteng na protektado ni Bobby ng Pasig PNP. Hindi rin pa-pahuli ang bookies ng Karera si Abet Alvaran at Kupitan dodo sa Mandaluyong.

Sa Lugar ni Erap  sa Maynila namamayagpag ang bookies ng  karera ng kabayo gaya nina Gener ‘Paknoy’ Presnedi, Boy Abang Simbulan, Edna/Enteng at Delfin ‘Da Boy’ Pacia. MILO SAMSON na may code name ANA PERRY na pinoproteksyonan naman umano ng isang KONSEHAL PANOT.

Tuloy pa rin ang pa-bookies ng magpakner na si Ferdie Sy at Obet Chua.

Pero may hirit pa si KEVIN, ayon sa kolokoy, humahanap ng linya  na gagamitin  sa  ilang opis-yal ng CIDG, SPD at NCRPO.

Ayon pa sa kupal, pinag-usapan na umano nila ni Bolok Santos at handa naman daw ang jueteng lord na ‘doblehin o triplehin’ ang payola kung talagang kailangan.

General Valmoria at General Magalong, mukhang hinahamon hindi lamang ang inyong pagkapulis at pagka-opisyal ng ungas na si Kevin kundi ang inyo mismong pagkalalaki

Kung ako kina Gen. Magalong at Valmoria, babangasin ko ang pagmumuka nitong si Kevin na dating bugaw ng mga kabataang babae sa kanyang mga night club.

Aba kung natuloy ang Jueteng ni Kevin at Bolok, tiyak bundat na naman ang  BATMAN & ROBIN TANDEM NATIONAL MEDIA (7, 14, 21, 30)  BUKOL PAYOLA!

***

Makinig sa DWAD 1098 KHz am band  ” TARGET ON AIR “ Mon / Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …