Tuesday , November 5 2024

Sino ang tanga sa batas? Ang Korte Suprema o ang grupo ni PNoy?

SA kanyang national address last Monday evening, iginiit ni Pangulong Noynoy Aquino na tama ang kanilang pagkabuo sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at mali ang Korte Suprema na ideklara itong labag sa batas o unconstitutional.

Paano kaya ito nasabi ni PNoy? E unanimous, 13-0, ang desisyon ng Korte Suprema laban sa DAP!!!

Ibig bang sabihin ni PNoy ay tanga o mangmang sa batas ang 13 Mahistrado?

At nakalimutan yata ni PNoy na lima sa Mahistrado, kabilang si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ay appointees niya pero hindi bi-nigyan ng pabor ang legalidad ng DAP. Dahil labag nga talaga ito sa Saligang Batas.

Iginigiit pa ni PNoy ang isang masasabi kong bersikulo: Book 6, Chapter 5, Section 39 ng 1987 Administrative Code of the Philippines. Na mayroon daw siyang karapatan bilang Pangulo ng bansa na gastusin ang savings ng ibang ahensya ng gobyerno sa ibang ahensya na may kulang na pondo.

Hindi ako abogado, pero sa damdamin ko, kailan pa nangyari na ang isang administrarive code ay nangibabaw sa Saligang batas?

Bagama’t naniniwala ako na hindi corrupt si PNoy. Na ang gusto niyang mangyari ay talagang mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto para mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa. Pero sana hindi naman sa paraang labag sa ating saligang batas.

Tuloy, sa halip makakuha siya ng simpatya sa kanyang mga boss ay pinanawagan ngayon ang kanyang pag -resign at pag-impeach sa kanya.

Maging ang mga opisyal ng Simbahan ay hindi na kontento sa performance at pag-uugali ni PNoy.

Ang law professors ng mga kilalang unibersidad sa bansa ay nagsasabing “asal kanto boy” ang Pangulo.

Ang resulta ng survey ng mga ahensya tulad ng Pulse Asia, Social Weather Station (SWS) at IBON Foundation ay negative na ang trust at performance ratings ng Pangulo.

Paano ngayon ‘yan?

Ang mabuti sigurong gawin ngayon ng kam-po ni PNoy ay ilatag sa publiko kung saan-saang proyekto nalustay ang P170 billion pondo mula sa DAP.

Ipalabas sa mga senador at kongresista na nabigyan ng malaking pondo mula sa DAP kung saan na ang kanilang naging proyekto.

Kapag may maipakita silang konkretong proyekto mula sa DAP, tiyak maiibsan ang galit ng taong bayan kay PNoy.

Just do it, Mr. President…

Rice dealers sa Tacloban City, imbestigahan

– Sir Joey, sana mabigyan din ng pansin ang rice dealers dito sa Tacloban na hinahaluan rin ng NFA. Ito ang COCOMART at MIKYU dito sa Marasbaras, Tacloban City – 09288619…

Hinaing ng Yolanda victim ng Brgy. 88 Tacloban City sa GMA Foundation

– Sir Joey Venancio, ako po ay taga-Leyte na apektado ng bagyong Yolanda. Nagpapasalamat po ako sa mga NGO na tumulong sa amin. Kaya nga lang po sana lang ay maging patas naman ang mga opisyal dito sa barangay namin, sa Brgy. 88. Yung programa po kasi na GMA Foundation na pabahay para sa mga may limang anak pataas ay di naman po nasunod. Dahil yung iba na maliit lang naman ang bilang ng anak na tig-3 o tig-2 lang ay nasama po sa pabahay. Samantalang yung iba na may mas marami pang anak ay di tuloy nabigyan. Parang di naman po tama ang paglista o baka naman may anomalya na po. Kindly don’t publish my number baka di na po ako mabigyan ng relief goods. Sana po ay ma-check din ito ng GMA Foundation. At sana po ay maging patas naman ang mga opisyal sa barangay namin. Salamat po. – Yolanda survivor

Makabubuti na ang kausapin mo sa bagay na ‘yan ay ang inyong barangay tserman o mayor. Dahil sila yata ang nag-aasikaso sa mga Yolanda survivor na dapat mabiyayaan ng pabahay mula sa GMA Foundation.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Vilma Santos

Vilma ‘di pa kampanya pero naiikot na buong probinsiya sa relief operations

HATAWANni Ed de Leon HINDI naman disappointed ang mga Vilmanian kung hindi man sila nakipag-birthday party kasama …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Atasha Muhlach PMPC Star Awards for Music

Atasha nakasungkit 2 award sa PMPC 16th Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI ang magandang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalesna si Atasha Muhlach sa katatapos na 16th Star …

Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …

Tim Yap Carlos Yulo Chloe San Jose Donnie Pangilinan Hannah Pangilinan Pamela Rose

Tim Yap patok ang pa-Halloween party sa mga artista

I-FLEXni Jun Nardo ALL Saint’s Day ngayon araw. Nobyembre 1. Kaya naman naglabasan na naman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *