THE Supreme court declared that the Disbursement Acceleration Program (DAP) is UNCONSTITUTIONAL.
At itong mga nakatalagang mga tao ngayon sa Bureau of Customs ng DoF under ORAM ( Office of the Revenue Agency Modenization) bilang kapalit ng mga organic customs officials na dinala sa DoF-CPRO ay under question ngayon.
Dahil ang pondo na ginamit sa pagpapasahod sa kanila ay galing daw sa DAP.
Kung illegal ang DAP ‘e di illegal din ang pagpapasweldo sa kanila, ‘di ba?
Saan ngayon kukuha ng bagong pondo na ipangsasahod sa kanila?
Hindi na kailangan maghintay pa ‘yun mga natapon sa CPRO sa bagong administration para masagip at maibalik na sila sa Customs.
Dahil sa Supreme Court decision, nabigyan daw sila ng pag-asa na makababalik sa kanilang mother unit sa BoC at makamtan ang kanilang Civil service rights.
Aba’y kapag nagkataon, happy-happy na naman ang ilang tulisan sa Customs?
Pero ang masamang balita, gagawan daw ng paraan ni Finance Secretary Cesar Purisima na hindi pa rin sila makabalik sa Customs?
Aabangan po natin ang gagawin ng DoF para manatili ang mga bagong opisyal ng ORAM sa Customs.
Ricky “Tisoy” Carvajal