Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taumbayan, ginigisa sa sariling mantika – P65B Cavitex project

SAAN kaya kumukuha ng kapal ng mukha si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at itutuloy pa rin sa Hulyo 16 (Miyerkoles) ang pagpapalabas ng desisyon para i-award sa Light Rail Manila Consortium ng Ayala Corporation at Metro Pacific Investments Corporation ang P65-billion Light Rail Transit Line 1 extension project o Cavitex sa kabila ng napakaraming alegasyon sa kontrata?

Ayon kay dating LRTA Administrator Mel Robles, lugi ang gobyerno rito dahil isang bidder lamang ang pinili ng DoTC-LRTA bids and awards committee kaya nalimitahan lang ang mapagpipilian ng ahensya.

Kung ikokompara aniya ang halaga ng kasalukuyang proyekto sa LRT line 1 North Extension Project na natapos noong 2010, malayong-malayo ang presyo ng Cavite Extension project.

Ang north extension project na nagkakahalaga ng P6 billion ay sumasakop sa kabuuan ng gastos para sa railway system, kasama na ang kons-truksyon ng riles, power system at signaling. Kung susumahin, gumastos lamang ang gobyerno ng isang bilyong piso sa kada kilometro ng nasabing proyekto.

Sa kaso naman ng Cavite extension project, na may habang halos 12-kilometro, lalabas na ang gagastusin ng gobyerno ay mahigit P5 billion sa kada kilometro.

Sabi nga ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares,dapat magdeklara ang DoTC ng failure of bidding at magpatawag ng re-bidding upang makahikayat ng iba pang kompanya na pwedeng mapagpilian ng pamahalaan.

Kapag itinuloy ang pag-a-award sa kontrata, tiniyak ng Senior Deputy Minority Leader na magpapatawag sila ng imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Hindi aniya kailangan madaliin ang pag-a-award ng kontrata dahil wala naman darating na delubyo kung itoy ipagpapaliban.

Sinabi ni Colmenares na delubyo para sa mga mananakay ng LRT mula Caloocan City hanggang Baclaran kapag natuloy ang pag-a-award ng kontrata dahil sa nakaambang pagtataas ng pasahe.

Ipinangako na kasi ng gobyerno sa Ayala at MPIC ang pagtataas ng pasahe bilang paniyak na sila’y may KIKITAIN.

Napakasuwerte rin ng nasabing consortium dahil sasagutin ng gobyerno ang P5-B sa P9.5-B na bid price bilang panimula sa pagpapatupad ng proyekto na magpapahaba sa LRT mula Baclaran patungong Bacoor, Cavite.

Isa itong ehemplo ng paggisa sa sariling mantika.

Ito ay taliwas din sa tema ng talumpati noon ni dating Senador Benigno Aquino, Jr., na dapat ay gobyerno ang humawak sa malalaking proyekto kung sa buwis din naman ni Juan Dela Cruz manggaga-ling ang panustos dito.

Sinabi ni Ninoy, hindi si PNoy, sa pamamagitan aniya nito, makikinabang ang taong bayan sa kikitain sa proyekto at hindi lalong magpapayaman sa malalaking kompanya na karaniwang donor ng mga politiko tuwing halalan.

Isa pang isyu sa proyekto ang pagkakaroon ng “conflict of interest” dahil kapatid ni DoTC Undersecretary Rene “Timmy” Limcaoco si Jose Teodoro Limcaoco, opisyal ng Ayala Group of Companies.

Inamin na ng DoTC ang relasyon ng dalawa na hindi naman daw nakaapekto sa bidding ng proyekto.

Masyado naman ginagawang tanga ng DoTC ang taxpayers dito.

‘Di ba’t ‘conflict of interest’ din ang dahilan ng Pangulong Benigno Aquino III kaya sinibak sa serbisyo si dating MRT 3 General Manager Al Vitangcol III?

Siguro ay iiling-iling na lang ngayon si Vitangcol na biktima ng politika sa gobyerno.

Wala kasi si-yang kakamping malaking negos-yante tulad ng Ayala na malaki ang donasyon sa kandidatura ni PNoy noong 2010 elections.

Lubha rin kawawa ang libong manggagawa sa LRT na iniwan sa ere ng LRTA dahil sinabihan na sila na hanggang katapusan na lang ng Setyembre ang kanilang trabaho.

Hindi man lang binigyan ng magandang “separation package.”

‘Yan ba? ‘Yan ba ang matuwid na daan MAHAL NA PANGULONG NOYNOY?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …