Tuesday , December 31 2024

Illegal ang council resolution —DILG-NCR

God exalted him (Jesus) to the highest place and gave him the name that is above every other name, that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father. —Philippians 2:9-11

KINATIGAN ng Department of Interior and Local Government (DILG)-National Capital Region (NCR) siBarangay Chairman Jaime Adriano ng Brgy 719 Zone 78 sa kanyang reklamo laban sa kontrobersiyal na usapin ng barangay boundaries.

Ito’y kaugnay sa awtorisasyon na ibinigay ng City Council sa Barangay 720 ni Chairwoman Ericka Platonna sakupin ang ilang bahagi ng barangay ni Chairman Adriano sa pamamagitan lamang ng isang Council Resolution.

***

SUMANG-AYON si DILG-NCR Regional Director Renato L. Brion sa panig ni Bgy Chairman Adriano na hindi maaaring ipatupad ang ‘pananakop’ o pagkuha sa ilang parte ng isang barangay sa pamamagitan lamang ng isang resolution, bagkus kailangan ang isang batas o ordinansa na magpapatibay dito.

Nagpasaklolo si Chairman Adriano sa DILG-NCR, dahil sa lantarang pambabastos at pagbalewala sa rule of law ng City Council at ni Brgy Chairwoman Platon nang ipasa angCouncil Resolution No. 23 na nag-aalis sa ilang lugar na sakop ng Brgy 719 at ibigay sa Brgy 720 na dahilan din ng pagkawala ng parte nila sa Real Property Tax (RPT) shares.

“ORDINANCE NOT

A MERE RESOLUTION”

AYON kay DILG-NCR Director Brion:

With regard your (Chairman Adriano) query on whether Barangay boundaries can be taken by mere resolution, we opine in the negative. Section 6 and 10 of the Local Government Code of 1991 (R.A. 7160) respectively states:

Section 6. Authority to Create Local Government Units.—A local government unit may be created, divided, merged, abolished, or its boundaries substantially altered either by law enacted by Congress in the case of a province, city, municipality, or any other political subdivision, or by ordinance passed by the Sangguniang Panglungsod concerned in the case of a barangay located within its territorial jurisdiction, subject to such limitation and requirements prescribed in this Code.”

***

NAKASAAD din aniya na kailangan ang isang plebisito sa Section 10.

Plebiscite Requirement.—No creation, division, merger, abolition, or substantial alteration of boundaries of local government units shall take effect unless approved by a majority of votes cast in a plebiscite called for the purpose in the political unit or units directly affected. Said plebiscite shall be conducted by the Commission on Election (Comelec) within one hundred twenty (120) days from the date of effectivity of the law r ordinance effecting such action, unless said law or ordinance fixes another date.”

***

KAYA naman ang obserbasyon ni Dir. Brion:

“It is clear from the foregoing that before an alteration in the boundaries of a barangay can take place, there should be a plebiscite conducted and it should be done through an ordinance and not through a mere resolution.”

Sapol ang konseho!

***

BUKAS naman ilalahad natin ang pagmamatigas ng City Council sa panindigan nilang ‘tama’ ang ginawa nilang Resolution kahit labahg sa probisyon ng Local Government Code of 1991.

Grabe, mga hunghang talaga!

KTV BAR SA SHRINE?!

DIOS MIO, ano ba itong nabalitaan natin na maglalagay umano ng isang KTV bar d’yan sa Bonifacio Shrine, matapos tayuan ng mga kongretong tent.

Aba, pakilinaw nga mga organizer Judi Antonio at Ma. Fe de Villa, sino ang nagbigay ng awtorisasyon sa inyo na babuyin ang sagradong shrine ni Gat Andres Bonifacio?

***

AT magkano ba ang inihahatag ninyo d’yan sa Manila city hall at kaunting basbas n’yo lamang ay nagsisilitawan agad ang mga tauhan ni Major Bernabe Irinco para paghuhulihin ang mga lehitimong manininda sa Arroceros?

Maghunos-dili kayo, sakop ng aking barangay 659-A ang lugar na ‘binababoy’ n’yo! At ni isang kapirasong permit ay wala kayo kinukuha sa aking barangay.

Ngayon legal ba ‘yan?!

TUQUERO OUT,

VALDEZ IN SA PLM!

TAYABAS NG UDM,

KAILAN NAMAN KAYA?

NAKU, sinipa na bilang Presidente ng Pa-mantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si da-ting Justice Secretary Artemio Tuquero?

Mismong ang PLM Board of Regents (BoR) ang nagdesisyon para patalsikin si Tuquero dahil sa mga kaso at pagiging over age!

Pansamantala, si Dean Amado Valdez ang Pangulo ng PLM!

***

PERO umapela si Tuquero sa korte at pinaboran nitong Biyernes ni Manila RTC Executive Judge Reynaldo Alhambra ang kanyang hiling na temporary restraining order (TRO). May 72 hours na TRO ang ibinigay ng korte upang pigilan si Valdez na maging PLM President.

Ngayong araw ng Lunes magtatapos ang TRO at malalaman kung palalawigin pa ng 20 araw ang TRO ni Tuquero.

Abangan na lang ang susunod na kabanata!

***

NGAYON naman ay marami ang nagtatanong, kailan naman kaya sisipain si Dr. BenjaminTayabas, ang acting President ng Universidad de Manila (UDM)?

Kung tutuusin mas maraming ‘kasalanan’ si Dr. Tayabas kung ihahambing kay Tuquero. Mas maraming kaso sa Ombdusman, mas maraming paglabag sa UDM rules and guidlelines, mas mara-ming ginawang pambabastos sa UDM BoR.

Pero walang ka-deli-delicadeza sa sa-rili! Pwee!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Rosh Barman

Rosh nagpapasalamat sa Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa  pelikulang Topakk na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *