HINAHAMON ng oposisyon partikular ng United Nationalists Alliance (UNA) si Budget Sec. Butch Abad na ilabas ang listahan ng mga proyektong pinondohan gamit ang kontrobersiyal na Disbursement Accelaration Program (DAP).
P170 billion daw ang nailabas na pondo mula sa DAP, sabi ni Navotas Congressman Toby Tiangco, ang secretary-general ng UNA.
Ang DAP, na inimbento ni Abad ay idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema. 13-0 ang botohan ng mga Mahistrado rito.
Tama ang paghahamon ni Tiangco. Suportado natin s’ya d’yan. Pero nakalimutan yata niyang marami sa mga kaalyado niyang mambabatas partikukar sa mga senador ang nakatanggap din ng malaking pondo mula sa DAP?
Mas maganda siguro kung ilatag muna ng mga mambabatas na taga-UNA kung saan nila inilagay ang nakuha nila sa DAP bago hamunin nang sabunutan sina Abad at PNoy.
Sinasabing maging si Vice Pres. Jojo Binay, ang standard bearer ng UNA sa 2016 election, nakakuha rin ng malaking pondo mula sa DAP.
Sina Senador Juan Ponce Enrile, magkapatid na Senador Jinggoy Estrada at JV Ejercito at Senador Tito Sotto ay nabigyan din ng pondo mula sa DAP. Saan rin nila inilagay iyon?
Pakibusisi mo rin ‘yan sa mga kaalyado mo, Toby.
Dahil ayon sa mga whistleblower, sa kaban din ni Janet Napoles dumaloy ang DAP nina Enrile, Jinggoy at Senador Bong Revilla.
Tutukan natin ito, kabayan, dahil pera mo, pero ko, pera nating taxpayers ang pinagsasamantalahan nila rito!
Umunlad a gumanda
Na raw ang Maynila…
– Sir Joey, mahiya naman so Loi Estrada sa sinabi niyang umunlad at gumanda na raw ang Maynila. Baka silang mga Estrada ang umunlad dahil sa mga abusadong RWM Towing nila. Makakarma rin sila. – 09232762…
Oo nga naman, kung umunlad at gumanda pa ang Maynila, bakit hindi na nakapagpapasuweldo nang maayos sa mga empleyado, hindi naibibigay ang allowance ng mga titser at pulis, nagkaroon ng bayad ang dating libreng serbisyo sa anim na district hospitals, walang gamot sa health centers, dumami ang bayarin sa public schools, tumindi ang singil ng parking sa mga bangketa, talamak ang kotong at street crimes. Ito ba ang umunlad at gumanda pa ang lungsod? Wake up, Madam Loi…
Pangakong napako
ni Mayor Erap
– Gud day, Sir Joey. Sana mabasa po ito ni Mayor Erap. Asan na yung pangako niya sa mga empleyado ng City Hall? Increase namin last year hindi ibinigay, pati rice allowance namin. Tapos ngayon, sabi ibibigay yung increase namin at financial assistance (F. A), wala naman. Sana naman ibigay na yung para sa aming mga empleyado. Pls dont publish my number. Manila City Hall employee po ako. Salamat. – Manila City Hall employee
Erap joke: Kayo naman o… pinangakuhan na nga kayo, gusto n’yo tuparin pa! Hahaha!
Sa Marikina at sa Pasig…
– Sir Joey, sa Marikina ay walang tricycle na colorum. Ang tao tumatawid sa tamang tawiran. Sa Pasig, baliktad: Ang daming colorum at tumatawid ang mga tao sa ‘di tamang tawiran. – 09224934…
Alam n’yo, kabayan, nasa leadership lang naman ‘yan e. Kung magaling magpatupad ng batas ang inyong mayor, tiyak susunod ang constitutents tulad sa Davao City.
Daming drug pushers
sa Sagay City
– Report ko po dito sa Brgy. Vito, Sagay City ay napakarami nang tulak ng droga. Sana mag-operate naman ang mga pulis dito. Kasi marani nang estudyante ang adik sa shabu. Sana maaksiyunan agad ito. Huwag nyo po ilabas ag numero ko. – Concerned Citizen
O, sino ba ang hepe ng pulisya at alkalde d’yan sa lungsod ng Sagay, pakiwalis lang po ang mga basura sa Brgy. Vito, nagkalat daw ang tulak! Aksyon!!!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio