Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Giyera vs jaywalkers, ipatupad nang maayos; at Bolok 137 sa SPD, lumarga na!

SOLUSYON nga ba sa tigas-ulong pedestrians ang mataas na multa sa mga mahuhuling jaywalker sa pangunahing lasangan ng Metro Manila?

Kung susuriin, maganda ang layunin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) pero masasabing hindi na kailangan ang alituntunin na ito. Bakit? May nakasulat naman na kasi na “No Jaywalking.” o “Huwag tumawid nakamamatay.” bilang babala sa mga pedestrian lamang. Ang napakasimpleng kautusan ay napakahirap sundin ng matitigas ang ulong mga Pinoy.

Hinahangaan pa naman ang mga Pinoy sa ilang kilalang bansa (sa katinuan/kagalingan daw) pero ang totoo naman pagdating sa sariling bayan ay hindi inirerespeto o sinusunod ang batas.

Paano po kasi, ang ibang bansa ay may political will sa pagpapatupad ng kanilang mga batas samantala dito sa ating bansa ay nakukuha ang lahat sa “ngiti” at “kalabit-penge” o lagayan kaya, walang takot na labagin ng nakararami ang mga batas sa bansa.

Multa at community service sa mahuhuling jaywalkers, matagal nang mayroon tayo nito pero, kulang lang ng ngipin sa pagpapatupad ang gobyerno natin o ‘di kaya, ipinatutupad pero nagagamit sa kotongan.

Ngayon ay binuhay uli ng MMDA ang batas na kanila pang inamyendahan. Pinalaki ang multa – P500 na plus community service.

Ang tanong, magki-klik ba ang magandang paraan ng MMDA laban sa jaywalkers?

Magki-klik naman siguro kaya lang, baka hanggang sa umpisa lang at sa bandang huli ay gagamitin na ang nasabing ordinansa para sa “negosyo.” Sana hindi.

Sa totoo lang kasi, ang daming malolokong MMDA enforcers – mangongotng at marami-rami na rin ang nahuhuli.

Tulad nang naunang katanungan, solusyon ba ang mataas na multa? Maaari at kung kinakailangan pang taasan para naman sa kaligtasan ng bawat matitigas ang ulo, gawin P1,000 hanggang P5,000 ang multa tulad ng ginawa ng LTFRB laban sa mga kolorum na mga sasakyan.

Kahit na paano, may takot nang lumabas ang mga kolorum – akalain mo ba naman, P200,000 hanggang P1 milyon ang multa. Saan ka pa? ‘E di susunod na sa batas.

OO nga pala sa LTFRB, daming kolorum (out of line) na UV sa San Mateo, Rizal. Pumipila sa illegal terminal nila sa Shell at sa tabi ng presinto ng San Mateo Police. Magkano kaya ang lagay sa San Mateo Police kaya hindi ito hinuhuli?

Balik tayo sa jaywalkers – 15 araw na lang ay ipatutupad na ang totoong panghuhuli sa inyo ng MMDA kaya, kung ayaw ninyong magmulta nang malaki-laki rin at maglinis sa kapaligiran at maabala, aba’y magpakatino na kayo.

Sa MMDA naman lalo na sa mga nakapulang unipormeng enforcers (sila lang daw ang may karapatang manghuli), sana ay huwag ninyong samantalahin ang ordinansa. Huwag gamitin sa pangongotong at sa halip ay disiplinahin ninyo ang matitigas ang ulong pedestrians.

Naalala ko tuloy ang isang kaibigan, aniya kapag siya daw ang maging mambabatas, isa sa kanyang panukala ay puwedeng sagasaan daw ang mga pedestrian na matitigas ang ulo para magtanda.

Hindi maganda ang panukalang ito pero, sa totoo lang ay nakuha ko ang punto niya. Bilang isang nagmamaneho kasi, kahit na anong mangyari – kahit kasalanan ng pedestrian pero inyong nasagasaan ay ang driver ang mananagot.

Kaya kayong mga pedestrian, ‘wag matigas ang ulo. Gamitin ang pedestrian lane at footbridge sa pagtawid.

Toni Bolok 137, lumarga na sa SPD

Todo-todo na ang operasyon ng 137 o jueteng ni Toni Bolok sa Southern part ng Metro Manila na nasasakupan ng Southern Police District (SPD). Partikular na nakopong lugar ng jueteng ni Bolok ang Parañaque, Las Piñas, Taguig. Ipinagmamalaki ng kampo ni Bolok na may basbas sila mula National Capital Regional Police Office.

Gen. Carmelo Valmoria, NCRPO director, kayo ba ang nagbigay ng basbas kay Bolok? Hindi naman siguro pero, mas kapani-paniwala siguro kung inyong ipasalakay ang jueteng ni Bolok.

‘Di ba SPD Director, Gen. Jose Erwin Villacorta?

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …