TILA nais ganap nang kopohin ng jueteng lord na si TONY ‘BOLOK’ SANTOS ang operasyon ng jueteng sa buong Metro Manila.
Ngayon linggong ito, nag-umpisa na ang operasyon ng ilegal na pasugal ni BOLOK SANTOS sa area ng PNP Southern Police District (SPD) na nakasasakop sa mga siyudad ng Pasay, Parañaque, Makati, Las Piñas, Taguig at Muntinlupa.
Ang PNP-SPD ay pinamumunuan ng mabunying heneral na si Jose Erwin Villacorte.
Sino-sino kaya ang nakinabang sa P12 MIL-YON goodwill money ni Tony Santos sa southern Metro Manila.
Dati-rati, limitado lamang ang balwarte ni BOLOK SANTOS sa Quezon City, Caloocan, Pasig at sa buong nasasakupan ng probinsiya ng Rizal.
Lumundag na ito sa mga lungsod sa Katimugan ng Metro Manila na dati’y sakop ng ilang kilalang gambling lord ng Southern Luzon.
Base sa ating nakalap na impormasyon, noong isang linggo pa nagkaroon ng pagpupulong para sa dry run ng pa-jueteng ni BOLOK SANTOS sa Southern Metro na dinaluhan ng ilang mga opisyal ng pulisya mula SPD,CIDG, NCRPO at mga representante ng iba’t ibang LGUs.
Plantsado na umano ang gagawing operas-yon ng jueteng empire mula sa presyo ng lingguhang payola hanggang sa designated police collectors at mga sugo nito.
Kawawa naman si NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria sa sistemang umiiral dahil bukod sa direktang nabubukulan ng kanyang mga tauhan, mistulang binabastos at bina-by-pass ng mismong tanggapan ni PNP chief Gen. Alan Purisima?
Pati ang tanggapan ni Sec.Mar Roxas ng DILG ay hindi na rin inirerespeto.
Tinatawanan lamang nina BOY GA-GO, alyas Boy Pandak JOJO CRUZ, RAFAEL, CUBOS, PANDUKOTat ESPELETA ang ipinagmamalaking NO TAKE POLICY ng DILG at ni NCRPO Director Valmoria.
Balita pa ng inyong lingkod, ilan sa mga unit na dumalo sa engrandeng meeting ay mula sa tanggapan ni CIDG Director Benjie Magalong, Intelligence Group, SPDO, ilang unit sa Camp Crame, NBI at GAB.
Kung ganitong hindi nagkakasundo raw ang DILG at ang tanggapan ni PNP chief Alan Purisima sa isyu ng 1602 o illegal gambling, sino nga ba ang dapat managot na mga nangyayaring kalokohan na ito, Pangulong Noynoy Aquino?
LARGADONG 1602 SA MAYNILA, QC, PASIG at MANDALUYONG
Ganyan din ang nangyayari sa lungsod ng Maynila na ang acknowledged VIDEO KARERA QUEEN na si GINA GUTIERREZ ay walang keber sa mga direktiba ni MPD Director Rolando Asuncion na nagbabawal sa ilegal na sugal.
Parang PAGCOR na rin umano si GINA na nagkakaloob ng prangkisa sa mga gustong magpuwesto ng kanyang mga salot na makina sa siyudad ni ERAP ESTRADA.
Pati umano mga aktibong pulis ay operator na rin umano ng VK machines. Mga pulis din ang may hawak ng mga bookies sa karera ng kabayo gaya nina Gener ‘Paknoy’ Presnedi, Boy Abang Simbulan, Edna/Enteng at Delfin ‘Da Boy’ Pacia.
Talamak din ang ilegal na pasugal ng anak ng bantog na gambling lord na si MILO SAMSON na may code name ANA PERRY na pinuproteksyonan naman umano ng isang KONSEHAL PANOT.
Tuloy pa rin ang pa-bookies ng magpakner na si Ferdie Syat Obet Chua.
Andiyan pa rin ang VK ng mag-jowang sina Lea at Bertingng Parola.
Sa Quezon City naman, namamayagpag ang lotteng ninaTony Francisco ng San Bartolome, Lito Motor,Ver Bicol at Don Ramon. Sa Pasig City, Cris at Rose, Laarniang reyna at hari ng Video karera at Lotteng na protektado ni Bobby ng Pasig PNP. Hindi rin papahuli ang bookies ng Karera si Abet Alvaran at Kupitan dodo sa Mandaluyong.
At habang magkasalungat ng landas ang uri ng liderato ng DILG at ng tanggapan ng chief ng PNP, magpipista lamang ang mga gambling lords na nagkalat sa kasalukuyan.
At habang si Roxas ay nagkukumahog sa pag-usad ng minimithi niyang endorsement ng partido Liberal para sa 2016 presidential elections, hell-bent naman daw si Purisima na pasamain ang imahe ng nakaupong Kalihim ng DILG.
Abangan ang mga susunod pang intrigahan sa pagitan nina Roxas at Purisima na nag-ugat sa mga intrigang hindi nakarating.
Take note, sa intriga nga ba o sa entrega nag-umpisa ang away ng Kalihim at ng PNP chief?
Pakisagot nga ‘yan BATMAN & ROBIN TANDEM NATIONAL MEDIA ( 7,14,21,30 ) PA-YOLA!
Nakahihiya …nakasusuka kayo!
Ang kakapal ng face!
***
Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09278781771 mag email sa [email protected]
ni Rex Cayanong