Friday , December 27 2024

‘Di impeachment ang sagot sa isyu ng DAP

NAG-UUNAHAN ngayon ang iba’t ibang grupo sa pagsulong ng impeachment laban kay Pangulong Noynoy Aquino, matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang inimbentong Disburesement Acceleration Program (DAP) ni Budget Secretary Butch Abad.

Pero malabong makalusot sa kongreso dahil karamihan sa mga kongresista ay nakinabang sa DAP.

Kung magtagumpay naman sa hanay ng mga kongresista, tiyak dedbol ito pagdating sa senado. Dahil 20 sa 24 senador ay tumanggap raw ng pondo mula DAP. Si Senate President Franklin Drilon nga raw ang nakatanggap ng pinakamalaki, P100 MILYON!

Kaya masasayang lang ang oras at taxpayers money na gagastusin sa pagsusulong sa impeachment complaint laban kay PNoy.

Sakali naman mapatalsik si PNoy, hindi pa rin tayo makasisiguro na ang mga bagong uupo sa pamahalaan ay hindi rin magnanakaw.

Dahil ang mga atat na atat na mapatalsik si PNoy ay ‘yung mga sangkot at akusado sa iba’t ibang katiwalian lalo na sa pork barrel fund scam.

Kay PNoy, naniniwala akong hindi siya corrupt. Pero ang mga nasa paligid niya ay kombinsido akong mga corrupt! Ito ang mga naglulubog sa kanya ngayon sa kumunoy.

Kaya nga ang panawagan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) kay PNoy, sibakin na ang mga miyembro ng gabinete na sangkot sa mga katiwalian.

Sabi ni CBCP Archbishop Socrates Villegas, sana ay hindi pinipili lamang o iilan ang iimbestigahan.

Nanawagan din ang CBCP sa Commission on Audit (CoA) at sa Office of the Ombudsman na maging bukas sa publiko kung saan ba talaga nagamit ang DAP, na ayon sa balita ay umabot na sa P107 BILYON ang nailabas!

Naghamon pa si Bishop Socrates kay PNoy na patunayan ang kampanya niya laban sa katiwalian sa pamamagitan ng pagsipa at pagpapakulong sa mga opisyal na nasasangkot sa korupsyon.

“A government that professes to tread the straight path must remain true to that profession and must be willing to let go of the corrupt in its own ranks,” diin ni Bishop Soc.

Maging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay emosyonal nang nanawagan sa administrasyon ni PNoy na maging transparent sa taong bayan, ilatag sa publiko kung saan dinala ang pondo sa pork barrel at sa DAP. Amen!

Ang pahayag ng mga opisyal ng Simbahan ay ginawa sa pagtatapos ng tatlong araw na pagpupulong ng mga obispo na miyembro ng CBCP sa lungsod ng Maynila, na ang panguna-hing tinalakay ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa susunod na taon.

BIR Examiner sa Cavite ubod nang corrupt!

– Mr. Venancio, panawagan namin kay BIR Commissioner Lim Henares: Pls investigate and lifestyle check BIR Examiners sa North BIR Bacoor City, Cavite na sila “DC” and “RC.” Mas-yado silang garapal at pera-pera ang usapan! Masyado silang korap! – Boy Reyes ng Rosario, Cavite (09283489592)

Isang elevator lang gumagana sa PGH

– Mr. Joey Venancio, isang elevator lang ang gumagana dito sa PGH (Philippine General Hospital). Kawawa po ang mga pasyente, empleyado, doktor at bantay. Ang haba po ng pila. Paano kung emergency na operahan, mamamatay bago makarating sa operating room. – Concerned ci-tizen

Paging PGH Director, wala ba kayong maintenance d’yan para mapagana ang mga nasirang elevator?

Biyaheng Divisoria-Taft puro cutting trip sa Binondo

– Sir Joey, report ko ko itong mga jeepney biyaheng Divisoria-Taft at City Hall, puro cutting trip lalo na po sa umaga. Kawawa naman po yun mga pasahero. Umiikot na po sila sa 168 mall. Ayaw nila dumiretso sa Recto samantalang malinis naman po ang Juan Luna para dumaan sila. Tapos po yun mga MTPB puro kwentuhan lang sa tapat ng Binondo Church! – 09194408…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *