Sunday , December 22 2024

Kapal ng mukha n’yo! “Bolok 137” sa South Metro Mla.

“SAAN kayo kumukuha ng kapal ng mukha n’yo?

Naging paboritong linya ang bahaging ito ng talumpati ni Pang. Aquino sa kanyang SONA 2013.

Patama niya ito sa mga corrupt sa Bureau of Customs (BoC).

Paano kasi, ninakawan daw ng mga tiwali ang taong bayan ng P200 bilyon yata. Kapal nga ng mukha.

Pero tila ang tira ng Pangulo sa BoC ay bumalik sa Palasyo. Nag- boomerang sa mga naghahariang nais ituwid ang daan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na puno ng korupsyon.

Tila bumalik sa palasyo ang patama sa BoC nang ideklara ng Korte Suprema na ilegal ang DAP ng Palasyo at ng Department of Budget and Management (DBM).

Sabi ng Korte Suprema, unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Hindi naman ito nakapagtataka. E kung iyong PDAF nga unconstitutional, ang DAP pa kaya.

Kaya hayun simula nang ideklarang ilegal ang DAP nina PNoy at DBM Sec. Abad, kung ano-ano nang lumabas na kahulugan ng DAP. Kesyo … ‘wag na natin banggitin.

“Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha ninyo?”

Nang ideklarang unconstitutional ang DAP, kaliwa’t kanan na pumutok ang “impeachment” laban sa Pangulo ng bansa.

Sabi nga ni Sen. Miriam Defensor, pwedeng kasuhan (impeachment) ang Pangulo, lamang sa political view ay malabong makalulusot ang impeachment dahil majority sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay ‘hawak’ ng Pangulo este, kapartido niya.

Nauna rito, nang pumutok din ang plano ng mga katunggali laban kay PNoy, nagsalita na ang majority ng Kongreso sa Batasan Complex. Kanilang haharangin daw ang anomang impeachment na isasampa laban kay PNoy.

Hay, buhay nga naman o … saan ba talaga kayo kumuha ng kapal ng mukha ninyo (kayong mga mambabatas)?!

Heto naman si Sec. Abad na sinasabi ni Sen. Miriam na dapat nang magbitiw sa kapalpakan sa DAP. Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibitiw.

Naku Sir Abad, SONA na sa Hulyo 28, huwag na ninyong hintayin pang kaladkarin kayo ni PNOy sa SONA, tulad ng nangyari sa BoC nang tirahin. Naroon pa nga si dating BoC Comm. Ruffy Biazon, sa complex para magbigay suporta kay Pangulo pero, ano ang nangyari. Kinaladkad ni PNoy ang Customs bagamat hindi niya binanggit ang pangalan ni Ruffy.

Hayun si Ruffy sa kabila ng lahat ay hindi agad nagbitiw.

“Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha ninyo!” Ha ha ha!

Hindi agad nagbitiw si Ruffy o naging manhid siya sa patama kaya hayun, ang nangyari ay hinintay pa niyang masabit siya sa pork barrel scam bago nagbitiw.

Saan nga ba kayo kumukuha ng kapal ng mukha n’yo?

Ngayon, ang ginawa ng DBM ay ilegal daw ayon sa Korte kaya, saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga nasa likod ng DAP na sinasabi rin ipinamahagi bilang ‘balato’ sa mga mambabatas na pumabor sa impeachment laban kay Justice Corona.

Pero pinabulaanan naman ng Palasyo ang lahat ng akusasyon at haka-haka sa DAP at sa halip ang DAP na kanilang ipinamahagi ay nagamit daw sa tamang gastusin – iba’t ibang proyekto kaya ‘di raw ilegal.

Ipagpalagay natin nagamit sa tama ang DAP pero ang usapan dito ay legal nga ba siya o ilegal?

Basta ayon sa korte, unconstitutional ito.

Ha ha ha! Ano’ng sabi ng Pangulo sa SONA niya noong nakaraan?

“Saan kayo kumuha ng kapal ng mukha ninyo?

***

Heto naman si Toni S Bolok, kapal din ng pagmumukha niya. Kanyang sinasamantala ngayon ang mainit na politikahan. Oo dahil sa hindi gaano napapansin ang mga larong ilegal – sugal lupa, panay ang kanyang ‘pagtatanim’ ng kailegalan ngayon. Hayun maging ang southern part ng Metro Manila ay kanya nang pinasok. Maluwag nang tumatakbo ang jueteng ni Bolok sa AOR ng SPD. Sa Kyusi at Camanava area. talamak din ang jueteng ni Toni Bolok!

***

Para sa inyong komento, suhestiyon, reklamo, at panig, magtext lang sa 09194212599,

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *