Sunday , December 3 2023

Seguridad sa 2015 ni Pope Francis tiniyak ng Vatican

BILANG paghahanda sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015, nagsagawa ng inspeksyon ang mga taga-Vatican sa ilang lugar na posibleng bisitahin ng Santo Papa sa Visaya.

Kabilang sa ininspeksyon ang ilang lugar sa Tacloban at Palo, Leyte, mga lugar na matindi ang pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Pangungunahan ng Santo Papa ang blessing sa bagong Palo Cathedral.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, magiging mahigpit ang seguridad sa pagdating ni Pope Francis ngunit maaari pa rin siyang masilayan ng mga Katoliko.

Ayon kay Archibishop John Du, ng Archdiocese of Palo, mahalaga ang pagbisita ng Santo Papa sa mga Katolikong biktima ng supertyphoon dahil nagsisimbulo ito ng pag-asa sa ‘Yolanda’ survivors.

Una nang sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nakahanda na sila sa pagbisita ng Santo Papa sa Filipinas.   (BCJ)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan DTI

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium …

shabu drug arrest

2 araw police ops  
P.2-M ‘obats’ nasamsam sa Bulacan

NAKUMPISKA sa pinaigting na serye ng mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga …

Bayani City FSRR Camp Tecson San Miguel, Bulacan

 ‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson

NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp …

Bulacan Padre Mariano Sevilla

Paninindigan at Pamana, inalala sa ika-100 Taon ng Pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang ika-100 anibersaryo ng pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla, ang kilalang …

Bulacan Gawad Galing Kooperatiba

23 pinakamahusay na koop sa Bulacan kinilala ng Gawad Galing Kooperatiba

KINILALA ng taunang Gawad Galing Kooperatiba ang 23 pinakamahuhusay na kooperatiba sa Bulacan sa ginanap …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *