Nakakalungkot ang mga nangyayari sa ating bansa, paghihiganti, pagtatanim ng sama ng loob sa puso ang ginagawad ng ilang mga maimpluwensiyang pulitiko.
Tignan natin ngayon ang nangyari sa PDAF Scam, lalong dumadami ang nadidiskubreng katiwalian sa paggamit ng pondong ito.
Napakalaking halaga na umabot ng bilyong piso ang nawala sa kaban ng bayan.
Nakakaawa yung masa na nagpapakahirap, nagpapawis para lang mabuhay ng maayos sa hirap at ginhawa.
Wala na ba silang kabusugan sa pera? Sana sa darating na eleksiyon ay magisip-isip na naman ang mga botante.
Mas maigi na siguro na ‘yung mga may pinagaralan na lang ang bumoto…kasi naman sa bansa natin kung sino ang sikat kahit wala kang pinagaralan ay mananalo ka.
magrebelde ka…mananalo ka rin at pag nanalo na sila nakakalimutan na yung mga tumulong sa kanila tapos pagaabuso na lang sila sa kapangyarihan at mananakit na lang sila ng damdamin sa kapwa nila.
Lumalabas ngayon na ang malakas at makapangyarihan ay sila pala ang number one na magnanakaw sa ating bayan.
Hindi sila natatakot na mapahiya ang kanilang mga pamilya at sila ay nagsisisi lang pag nadiskubre na ang kanilang mga ginagawang kalokohan.
Pinapasalamatan natin ang buong media na umaalalay at binabantayan ang mga katiwalian sa ating bansa.
MABUHAY KA COLLECTOR FRANCISCO MATUGAS
Sa Bureau of Customs,isa sa nakita ko na hindi nagrereklamo sa kanilang trabaho ay si BOC-NAIA PairCargo Collector Francisco Matugas.
Masigasig, kaaya-aya,kagalang-galang at masinop siyang magtrabaho.Isa lang ang gusto niya,magbayad ng tamang buwis sa kanyang nasasakupan sa NAIA pair cargo. Manang-mana ito sa kanyang ama na si Surigao Cong. Matugas, na isa ring respetadong pulitiko na walang alingasngas ng katiwalian sa kanyang distrito.
Magaling at mababait ang pamilya at angkan ng Matugas sa kanilang bayan.
Kaya hinahangaan din siya ng nakakaraming broker at importer dahil wala man lang kayabang-yabang sa kanyang posisyon. Malayo pa ang mararating na isang batang-batang si Coll. Matugas.
Isa siya sa asset ng ating pamahalaan kaya yung mga alam niya na gumagawa ng katiwalian na mga broker at importer ay walang puwang sa kanya.
Muli,sumasaludo ako sayo Sir! Mabuhay ka!
COMM. SUNNY SEVILLA, HINDI TYPE ANG TABLOID
Si Customs Comm. Sevilla ay hindi daw nagbabasa ng tabloid kaya hindi niya alam kung binabanatan siya o pinupuri.
Mr. Sevilla dapat bigyan mo rin ng puwang ang mga taong gustong mag-interview sa ‘yo.
May nagsabi sa akin na ang binabasa lang daw niya ay Inquirer at Phil. Star.
Hindi niya ‘ata alam na marami ring bumabasa ng tabloid lalong-lalo na ang Hataw.
May ilang bagong opisyales kasi na itinalaga sa BOC na nagyayabang na wala daw silang pakialam sa media.
Ang yayabang naman nyo. He he he…
Tandaan niyo lang po nyo,kami sa media, mawala man kayo ay nandito pa rin kami.Malay natin sa susunod na taon o sa susunod na pagkakataon ay makasuhan at makulong kayo?
At kaming nasa media ay pupupugin kayo dahil nandito pa rin kami!
KUDOS BOC-ESS NAIA
Maganda at magagaling ang trabaho ng mga nakatalagang ESS sa BOC-NAIA sa pangunguna ng kanilang District Commander na si Lt. Regie Tuason.
walang nakakalusot na mga illegal na bagahe sa kanila.Ilang malalaking shipment ng iligal na droga na ang kanilang nasabat sa airport.Kaya naman pinupuri sila ng mga stakeholders sa Customs NAIA dahil nawala na ang mga kalabit-penge at harassment noon sa kanila.
Siyempre sa tulong ng kanyang opisyal at tauhan na sina Lt. Sherwin Andrada, SAII Ernesto Pracale, SAII Arturo Gamboa Jr., SAII Byron Carbonell, SAII Judy Teano, Special Agents I na sina Carlo Fajardo, Elvin Enad, Vince Malasmas, Carmelito Mantal, SAI Mark Moreno, SAI Marcelino Cruz, Alona De Guzman, Jorge Fernandez, Francis John Bautista Garcia ay gumanda ang imahe ng customs police sa NAIA.
Keep up the good work guys.Mabuhay kayo!
Jimmy Salgado